TV

Bea Binene, boses ni Jamie Robinson sa 'Voltes V'

By MARAH RUIZ

Tila bumagay kay Kapuso actress Bea Binene ang magpahiram ng kanyang boses sa karakter ni Jamie Robinson mula sa iconic Japanese cartoon na Voltes V.


Tulad ni Jamie na isang ninja, sumailalim din sa matinding martial arts training si Bea. Nagko-compete siya noon sa sport na wushu at kasalukuyang nag-aaral ng arnis bilang paghahanda para sa kanyang role sa upcoming GMA telefantasyang Mulawin VS Ravena

Bukod kay Bea, ipapahiram din nina Derrick Monasterio, Jak Roberto, Ken Chan at Hiro Peralta ang kanilang mga boses para sa anime.

Abangan ang Voltes V, simula March 27, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa GMA Astig Authority!

MORE ON KAPUSO DUBBERS:

Derrick Monasterio, magiging boses ni Steve sa 'Voltes V' simula ngayong March 27

Jak Roberto, voice actor na rin para sa 'Voltes V'