Vic Sotto at Aiai delas Alas, confident na magiging top-grossing MMFF entry ang 'My Bebe Love?' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

"It's gonna be worth your money and Christmas will be very happy after watching." - Bossing Vic

Vic Sotto at Aiai delas Alas, confident na magiging top-grossing MMFF entry ang 'My Bebe Love?'

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Sa pagsasanib-pwersa ng mga tinaguriang Philippine Box Office royalties na sina Vic Sotto at Aiai delas Alas at ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, manguna kaya ang My Bebe Love sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon?

"Syempre masaya po 'yung feeling na pine-predict nila na number one kayo pero ako sinabi ko nga kay God, 'Bahala ka na. Syempre sa buhay namin ikaw 'yung number one," bahagi ni Aiai delas Alas sa grand press conference ng naturang pelikula.

READ: Aiai delas Alas, kaisa-isang love team ni Vic Sotto sa pelikula 

"Nananalig ako at sa pananaw ko na 'yung celibacy ko for this movie, alam ko na ibibigay niya na number one," patuloy ng Philippine Queen of Comedy.

Kumpyansa rin si Bossing Vic Sotto sa kanilang MMFF entry.

Pahayag niya, "Confident ako na magugustuhan ng mga tao. Confident kami na we have a good film, we have good actors, actresses."

READ: "She’s a natural" – Vic Sotto on Maine Mendoza

Hanga rin siya sa mga nakatrabaho mula sa kanilang technical crew, cinematographer hanggang director para sa kanilang pelikula. Aniya, ang 'My Bebe Love' ang tunay na romantic-comedy.

"I've seen the film and I want to congratulate our director Joey Reyes for putting up a good vibes film. Eto ‘yung tunay na romantic-comedy… Matatawa ka, kikiligin ka, mapag-iisip ka ng konti," sambit ni Vic.

WATCH: Ang official trailer ng My Bebe Love

Hindi pa man tuluyang masabi kung aling pelikula ang bibida sa mga manonood ngayong taon, may tiyak na pangako pa rin si Bossing.

"It's a feel good movie, it's a good vibes movie and for the whole family. Saktong Pamaskong handog talaga," wika niya.

"It's gonna be worth your money and Christmas will be very happy after watching [our film]," pagtatapos nito.