Chris Yumang, may mga panghihinayang sa 'To The Top'

September 10, 2015

By CHERRY SUN



Matinding lungkot ang naramdaman ng wild card at Comeback Kid ng To The Top na si Chris Yumang nang malaman niyang magtatapos na ang kanyang laban sa kauna-unahang multi-platform boy band competition ng bansa.

“My biggest regret is that I haven't shown everything to them yet, that I have what it takes to win this competition,” pahayag niya sa panayam ng GMANetwork.com.

Maliban pa rito, nanghihinayang din siya dahil tila nabigo niya ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ang itinuturing niyang inspirasyon, habang sa kanyang ina naman siya humuhugot ng lakas.

Dagdag din ni Chris, siya naman ngayon ang nagpapakatatag para sa kanila.

READ: Chris Yumang, nais ipagpatuloy ang pangarap ng kanyang ama 

Pag-amin niya, “Sa mga performance po namin lately they notice po na parang malungkot po ako at pinanghihinaan ng loob kasi naho-home sick na po ako. Then my mom po kasi may sakit po siya and maselan po 'yung ginawang operation sa kanya.”

“Hindi ko po kaagad sinabi sa mom ko na I'm out na po sa competition kasi ayoko pong panghinaan siya ng loob. Pagkauwi ko po sa bahay dumiretso po ako sa kanya then hinug ko po siya. Nag-sorry po ako at sinabi ko pong babawi ako sa kanya,” patuloy nito.

Desidido si Chris na ipagpatuloy ang kanyang nasimulan sa To The Top.

Aniya, “Yes, I will continue pursuing my career. I want to join a band when I finish school. Nothing is impossible in God’s will.”

SEE ALL STORIES >