Namatay ang isang 30-anyos na ginang matapos siyang pagsasaksakin ng kaniyang asawa sa Buhi, Camarines Sur.

Sa ulat ni Cris Novelo sa GMA Regional TV Balitang Bicolandia nitong Biyernes, sinabing nangyari ang krimen sa bahay ng mag-asawa sa Barangay San Jose Salay.

Ayon sa ilang kapitbahay, nadinig nilang nagtatalo ang mag-asawa bago nangyari ang pananaksak ng suspek sa kaniyang misis.

Pilit umanong kinukuha ng suspek ang SIM card ng biktima.

Hinala ng mga awtoridad, matinding selos ang nagtulak sa suspek para saksakin ang kaniyang kabiyak.

"Parang ganun na nga kasi gawa ng yung SIM card hinihingi. So siguro gustong tuklasin ng lalaki yung SIM card ng babae," ayon kay Police Staff Sergeant Virgil Bayta, imbestigador sa Buhi Municipal Police Station (MPS).

Mayroong tatlong anak ang mag-asawa pero ang mga ito sa bahay nang mangyari ang krimen.

Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang tumakas na salarin.-- FRJ, GMA Integrated News