Filtered By: Topstories
News

Massacre sa Laguna, 4 na magkakapamilya ang patay


Patay ang apat na magkakapamilya sa isang hacking incident sa Brgy. Sta Felomina, San Pablo City, Laguna, ayon sa ulat ng mga pulis. Dahil umano sa alitan, napatay ni Ernie Malana Tambong, 22-anyos sina Maricel Contreras Rendon, 24 taong gulang; Bay Rendon Jr.; Jey-rem, 7 taong gulang; at Marijoy Contreras Rendon, 2 buwang gulang. Nakatakas at nakahingi ng tulong sa kanyang mga kamag-anak at pulis si Margie Contreras Rendon, 8 taong gulang mula sa pagpaslang. Nakaligtas din si Jomari Contreras Rendon, 5 taong gulang ngunit nasa kritikal pa siya na kondisyon. Pinagtataga umano ni Tambong ang magkakapamilya nitong Miyerkules ng gabi habang natutulog sa loob ng kanilang bahay. Ayon kay Laguna police chief Senior Superintendent Gilbert Cruz, inaresto agad si Tambong at ang kanyang ama na si Elmer Tambong. Kasalakuyang namang pinaghahanap pa ng awtoridad ang pangatlong suspek na sinasabing kasama ng dalawang na-aresto. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News