Filtered By: Topstories
News

Pope Francis, humanga sa lalaking may cerebral palsy na gumawa ng cross stitch gamit ang paa


Natupad ang hiling ng isang lalaki na cerebral palsy na personal na maibigay kay Pope Francis ang ginawa niyang cross stitch ng imahen ni Madonna Dolorosa gamit ang kaniyang mga paa.



Kabilang si Angelo Ortiz, na mula sa Tabaco, Albay, sa mga sumalubong sa Santo Papa sa ginanap na "encounter with families" sa SM Mall of Asia nitong Biyernes.



Hinawakan sa ulo ni Pope Francis si Ortiz habang nasa tabi nito ang ginawa niyang cross stitch.



Kita sa mukha ng Santo Papa ang pagkamangha nang ipaalam sa kaniya na si Ortiz mismo ang gumawa ng cross stitch na kaniya ring binasbasan.



Sa nakaraang ulat ng GMA News, sinabing tatlong buwan ang ginugol na panahon ni Ortiz upang matapos ang ihahandog niya sa Santo Papa.



Ang cerebral palsy ay karamdaman na nakaapekto sa nervous system ng katawan.



-- FRJ, GMA News