Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Dogs' Best Friend,' dokumentaryo ni Joseph Morong, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


“DOGS’ BESTFRIEND”

Dokumentaryo ni Joseph Morong

AIRING DATE: OCTOBER 13, 2018

Kaya mo bang isakripisyo ang iyong buhay para mag-alaga ng mga hayop?

Ang mga aso bilang hindi matalik na kaibigan ng mga tao ay hindi na iba sa atin. Nguni tang kahulugan nito para sa iba ay mas malalim. Tulad na lamang ni Susan, 58 taong gulang na nakatira sa Dinalupihan, Bataan. Umiikot ang mundo niya sa kanyang mga alagang aso, mula sa pagsagip sa mga ito, pagpapakain, pag-aalaga at pagmamahal na mas higit pa sa kaya niyang ibigay para sa kanyang sarili. Sa pagpapanatili ng kanyang dog shelter na nasa halos isang ektaryang magubat na lote, hindi biro ang buhay at dedikasyon na nilalaan ni Susan para dito.

Araw-araw, gumigising siya nang maaga para tignan isa-isa ang mga alaga niyang aso at pusa-inaalam kung ano ba ang kalagayan nila. Ang mga bagong rescue na aso ni Susan na sina Leo, Daniela at Shaggy, ay ilan lamang sa mga binibigyan niya ng higit na atensyon na ang katumbas ay karagdagang lakas at pagod para sa kanya.

Dumating sa puntong gusto nang sumuko ni Susan, ngunit sa tuwing makikita niya ang mga alaga niyang aso, pinipilit niyang bumangon at mabuhay.

Samahan sina Joseph Morong at ang kanyang team na kilalanin ang kahulugan ng buhay ng mga asong ito para kay Susan at kung paano niya pinanindigan ang kanyang pagiging matalik na kaibigan ng kanyang mga alaga.

English version

Would you rather sacrifice a noble job and dedicate your whole life taking care of animals?

Dogs as man’s best friend is a concept that appears cliché but bears a much deeper meaning to some. Just like Susan, a 58-year old woman of Dinalupihan, Bataan who dedicated her life to rescuing, feeding and taking care of dogs much more than she would take care of herself.  Managing a dog’s shelter on an uphill 1-hectare lot, life for Susan has never been easy.

She wakes up early in the morning, immediately checking up on each of her dogs and cats. In addition to the family, newly-rescued wounded, stray and abandoned dogs Leo, Daniela and Shaggy are her priority as they need more of her attention.

The hurdles are no less serious as she found herself on the verge of quitting. Looking into the eyes of her dogs, however, she is empowered to continue living.

Join Joseph Morong and his team as they get to know Susan, a dogs’ best friend.

Tags: iwitness