Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kitchen hacks nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista, alamin sa 'Pinoy MD'


AUGUST 6, 2016 / SABADO / 6 AM


Tambalang RomHar sa Kusina
Ngayong Sabado ng umaga, kukumustahin ng Pinoy MD ang mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.  Ishe-share din nila ang ilang healthy recipes na paborito nilang ihanda para sa kanilang pamilya at mga kaibigan.  Ilang kitchen hacks din ang ituturo sa atin ng mag-asawa.

 

Iwas-Diabetes Tips
Tinatayang mahigit tatlong milyong Pilipino na ngayon ang may diabetes.  Para sa mga may karamdamang ito, ’di lang ang pag-inom ng maintenance medicine ang importante, kundi pati ang pagkakaroon ng tamang lifestyle.  Sa pagkain man iyan o sa pag-e-ehersisyo, may mga tip ang Pinoy MD para sa mga diabetic para mas lumakas pa sila.

 

Tina P. Luvs Tinapay
At samahan naman ang aktres na si Tina Paner sa kanyang paglibot sa ilang mga bakery para makahanap ng mga healthy bread.  Tinapay na may kalabasa, saluyot at malunggay, ilan lang iyan sa ibibida ni Tina sa inyo.

 

In Fitness and In Health…
Dating obese pero ngayon fit na fit.  Ganyan ang mag-asawang Julius at Cyn Co, na ang pinagsamang ibinawas sa kanilang timbang… 149 pounds!  Tutukan ang kanilang mga payo sa kung paano nga ba maaaring magtulungan ang mga mag-partner sa buhay para magkaroon ng fit at happy life.

Si Connie Sison at ang mga doktor ng bayan ang magbibigay sa inyo ng impormasyon.  Panoorin ang Pinoy MD, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.

Tags: pr, prstory, plug, pinoymd