Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ano na ang nangyari sa nag-iisang survivor ng Payumo massacre?


PAYUMO MASSACRE
 
Si Helen Grace Payumo ay isang survivor ng massacre.  Apat na miyembro ng kanyang pamilya ang pinatay habang nagpapahinga sa kanilang bahay sa Sta. Rosa Laguna noong 1995.  Halos sampung tama ng saksak ang inabot ng bawat biktima.  Si Helen, nagtamo ng isang saksak sa leeg, dalawa sa tagiliran at dalawa sa gawing paa. Onse anyos lang siya noong mawala ang kanyang ina at apat na kapatid.  Wala rin siyang natanggap na tulong mula sa sarili nilang ama.  Ngayong, naresolba na ang kaso at nakakulong ang mga may kagagwan ng massacre, paano binuhay ni Helen ang sarili? BATANG COUPLE
 
Kapwa 14 years old lang sina Kayle at Marife pero nagbuhuhay mag-asawa na. Hindi naman daw sang-ayon ang kanilang mga   magulang pero wala daw silang magawa sa pag-li-live in ng dalawa.  Buntis na ngayon si Marife, hindi na  din sila pumapasok sa eskwela. Paano kaya bubuhayin ng dalawa ang kanilang magiging pamilya?  Ang kanila nga bang pagsasama ay sadyang hinog sa pilit? Ang dalawang storyang ito, mapapanood sa Tunay na Buhay, 11:30 PM ngayong Biyernes, December 9 sa GMA.