Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong Dantes among PHL delegates to Paris climate conference


Matapos manganak ng kaniyang asawa at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nitong nakaraang linggo, tumulak naman papuntang Paris, France si Kapuso Primetime King at National Youth Commission Commissioner-at-Large Dingdong Dantes para sa gaganaping 2015 Paris Climate Conference.

Kabilang ang Kapuso actor sa delegasyon ng Pilipinas na layong pigilan ang masasamang epekto ng climate change sa buong mundo.

Ayon kay Dingdong sa mga naunang pahayag, lalo raw siyang nagpursigi na pagtibayin ang kaniyang adbokasiya patungkol sa climate change ngayong mayroon na silang anak ni Marian

"Mas nagiging makabuluhan lahat. Mas nagiging grounded ako and the real issues become very clear and tangible because may concern. Meron kang pangamba doon sa magiging future ng anak mo,” paliwanag niya.

Isa sa mga pangunahin layunin ng aktor ay maipahayag ang mensahe ng kampanyang #NowPH na sinimulan niya nitong mga nakalipas na buwan. 

Aniya sa isang Instagram post, ipapasa niya sa mga lider mula sa iba't ibang panig ng mundo na bahagi ng Climate Vulnerable Forum ang naging output at outcome ng nasabing kampanya.

Kasama ni Dingdong sa Paris ang kaniyang mga kaibigan na nakasama niya sa pagbuo at pagtupad ng mga layunin ng #NowPH.

 

 

 

—Bianca Rose Dabu/JST, GMA news

LOADING CONTENT