Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hollywood action star na si Steven Seagal, nasa bansa


Dumating sa bansa nitong Lunes ang kilalang Hollywood action star na si Steven Seagal.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, sinalubong si Steven sa NAIA Terminal 3 ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Sinabi ni Seagal na business ang dahilan ng pagpunta niya bansa pero hindi niya ito idinetalye.

Ayon naman kay Singson, nagbabakasyon lang daw si Seagal, na nakarating na rin sa bansa noon.

Agad ding sumakay sa private jet ni Singson sa NAIA si Seagal papunta umano sa Cebu.

Nakilala si Seagal sa mga action films gaya ng Under Siege, Above The Law at Marked For Death. -- FRJ, GMA News