Filtered By: Showbiz
Showbiz

Find out the 'geeky' way Christian Bautista met his girlfriend


Kakaiba ang naging daan para makilala ng Kapuso singer-actor na si Christian Bautista ang kaniyang non-showbiz girlfriend na si Kat Ramnani.

Marami sa atin ang nakikipagkaibigan o gumagamit ng online dating sites at apps, ngunit sina Christian at Kat ay unang nagkakilala sa isang real-life escape room game.

“I met her in a Breakout room, in a Mystery Room. It's a game room where you have to solve a 'mystery.' Kapag wala kayong magawa as a barkada, puwedeng puntahan 'yon. It's Sherlock Holmes meets Takeshi's Castle meets The Crystal Maze,” kuwento ni Christian sa GMA News at iba pang miyembro ng press nitong Huwebes.

Ayon sa Kapuso balladeer, isinama lang raw ng kaniyang kaibigan si Kat, at hindi nila inaasahang mahuhulog ang loob nila sa isa't isa.

Nabighani raw si Christian hindi lamang sa kagandahan nito, kung hindi maging sa angkin nitong talino.

Aniya, “I'm there just to enjoy, just to play. I did not expect to meet her there. I thought, 'Wow, she's cute.' Then, we are put in a situation where we have to solve problems as a group. Medyo nerdy, medyo geeky, but she was very good. No pressure at all. And I was very impressed.”

 

 


Mag-iisang taon na ang relasyon nina Christian at Kat, at marami raw natutuhan ang “Encantadia” actor sa kaniyang kasintahan, na may lahing Indian, Irish, American, at Filipino.

“She's really smart so ang dami kong natututuhan sa kaniya in terms of details, in terms of improving your capacity or doing your best. Hindi puwedeng puwede na,” ayon sa Kapuso artist.

Paano naman niya sinusuklian ang inspirasyong hatid ng kaniyang kasintahan?

Pagbabahagi ng 34-year-old actor, “Lahat tayo may love language. Ang akin is service. Parang driver ako lagi. Tagasundo. Kung may time magsundo, mag-ayos ng nasirang lock. Hindi ako mabigay ng gifts. More on 'How can I help you?'”

Naipakilala na raw ni Christian si Kat sa kaniyang mga magulang, at umaasa umano siyang ito na ang babaeng pakakasalan niya.

 

 

A photo posted by Kat Ram (@katramnani) on

 


Kasabay ng muling pagpirma ng kontrata ni Christian sa GMA Network, ipinalabas na rin ang kaniyang unang eksena bilang Apitong sa remake at retelling ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia.”

Nakatakda ring magsilbing host ang Kapuso artist sa pinakabagong Kapuso talent show.

“It's good to be with great people, great family, great support group. The last few years have been amazing—expanding and building my talent in acting, hosting... Things are rolling, the engines are heating up,” aniya. -- FRJ, GMA News