Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Unang 'Wowowin' Mega Jackpot winner na si Shayne, 'di pa nakikita ang Briton na ama


Marami ang natuwa sa suwerteng nakamit ng magandang kolehiyalang si Shayne Pauli Anne Jones, ang kauna-unahang nagwagi ng Mega Jackpot prize sa Wowowin na kinapapalooban ng house and lot at P1 milyon.

Sa pagtatanong ni Kuya Wil, ikinuwento ni Shayne na hindi pa niya nakita ang kaniyang ama na isang British dahil iniwan sila nito ng kaniyang ina.

Sa kabila ng mahirap nilang buhay, nagsisikap sa pag-aaral si Shayne na second year college na ngayon sa kursong Business Management sa Laguna.

Sa tawaran ng portion, naging matatag ang ina ni Shayne na kunin ang kahon kahit P100,000.00 na tawad ni Kuya Wil dahil umaasa siyang mapapanalunan nila ang jackpot na kasama ang house and lot ng Bria Homes, na ang mga proyekto ay nasa Rizal, Bulacan, Caivte at Laguna.

Nais daw talaga ng ina na maialis na tinutuluyan nilang relocation site ang anak.

At hindi naman nagkamali ang ina ni Shayne na sundin ang ina dahil kahit itinaas ni Kuya Wil sa P150,000.00 ang kaniyang tawad, pinili ng mag-ina ang kahon.

Nang buksan ni Kuya Wil ang kahon, sinabi nito na, "lumipat ka na nang bahay!"

 

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment


-- FRJ, GMA News

Tags: wowowin