Filtered By: Showbiz
Showbiz

Meet the members of boy group 'One Up'


Handa nang magpakilig at magpamalas ng kanilang talento ang pinakabagong boy group ng GMA Artist Center na "One Up."

Ang grupo ay binubuo nina Brent Valdez, Yasser Marta, Chat Bornea, Arjan Jimenez, Nikki Co, Prince Clemente, at Ralf King.

Kasama rin ang "Starstruck 6" graduates na sina Joemarie Nielsen, Kevin Sagra at Jay Arcilla.

Bukod sa kanilang hearthrob looks, total performer din ang "One Up" na kayang-kaya ang sumayaw at umawit.

Nang tanungin ang grupo kung sino sa mga Kapuso young star ang dream nilang makapareha, sina Kylie Padilla at Julie Ann San Jose ang kanilang mga nangbanggit. -- FRJ, GMA News

Tags: oneup, boygroup
LOADING CONTENT