Filtered By: Showbiz
Showbiz

Patrick Garcia's wife Nikka Martinez suffers miscarriage


Labis na nabahala ang mga tagahanga ng aktor na si Patrick Garcia at ng kaniyang asawang si Nikka Martinez nang halos magkasabay na nag-post ng isang malungkot na larawan ang dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts nitong Linggo.

Tanging “ILYSB” at “Everything is gonna be ok..” lamang ang napiling captions ng mag-asawa, kaya naman marami ang hindi naiwasang magtanong kung ano ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

 

ILYSB

A post shared by Nikka Martinez Garcia (@nikkamgarcia) on

 

Everything is gonna be ok..

A post shared by Patrick Garcia (@onlypatrickgarcia) on

 

Hindi nagtagal, ibinahagi na rin ni Nikka ang problemang hinaharap nilang mag-asawa ngayon.

Aniya, “I was 3 months pregnant and we lost our baby.”

Nag-iwan din siya ng comment upang sagutin at ihayag sa mga nag-post at nagtanong kay Patrick kung ano ang nangyari sa kanila.

"I was 3 months pregnant and we lost the baby in my tummy," tugon ni Nikka.

Matatandaang ikinasal noong March 2015 ang dalawa, at nitong nakaraang taon lamang, ipinagdiwang nina Patrick at Nikka ang pagsilang sa kanilang ikalawang anak na si Patrice.

Kasunod si Patrice ng kanilang panganay na si Chelsea, na ipinanganak naman noong 2013.-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

LOADING CONTENT