Filtered By: Showbiz
Showbiz
MATAPOS MA-INQUEST

Cogie Domingo, maaari na raw magpiyansa sa Lunes matapos masangkot sa ilegal na droga


Pahihintulutan nang makapagpiyansa sa Lunes ang aktor na si Cogie Domingo at dalawa pa niyang kasamang lalaki, matapos silang mahulihan ng mga awtoridad ng ilegal na droga.

Sa GMA News "24 Oras" nitong Sabado, sinabing sumailalim na sa inquest proceedings si Cogie at ang mga kasama niya matapos dalhin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Parañaque Prosecutors Office ng umaga.

Inirekomenda ang halagang P200,000 para sa piyansa ni Cogie, habang tig-P100,000 naman para sa dalawang lalaki.

Hindi pinahintulutang magpiyansa ang kasamahan nilang babaeng tulak daw ng droga.

Nalaman ng PDEA na madalas daw puntahan ni Cogie ang Las Piñas at Parañaque para bumili ng droga.

Ngunit depensa ni Cogie, na-set up lang siya, at itinangging kanya ang mga nakumpiskang droga. — Jamil Santos/MDM, GMA News