Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca Umali, sinagot ang mga usaping nagparetoke raw siya


"It's all natural."

Ito ang sagot ni "Kambal, Karibal" star Bianca Umali sa mga lumalabas na usapan na nagparetoke raw siya ng kaniyang katawan.

 

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on

 

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing blooming ngayon si Bianca, na kaka-18 lang nitong Marso.

Ngunit sa susunod na Sabado, gaganapin na ang kaniyang debut na pinamagatang "Simply Bianca".

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga blessing na nangyayari ngayon sa kaniyang buhay.

"Overwhelming. Kasi nakikita ko 'yung mga taong nagmamahal sa akin. Wala akong any wish. It's a 'thank you' kay Lord sa mga kung anong meron ako."

Kaya naman puspusan na ang kaniyang pag-eensayo sa production number na gagawin niya sa kaniyang debut.

Kamakailan lamang, nag-post si Bianca ng kaniyang beach body sa Instagram, kaya lumabas ang mga usapang retokada raw siya.

Paliwanag ng aktres: "Hindi ko alam kung paano nila nasasabi 'yon but I am confident and I am proud na it's all natural. Everything I have, siguro 'yung sinasabi nilang magandang katawan ko, pinaghirapan ko 'yun, inaalagaan ko 'yun."

Ayon pa sa ulat, 22 inches ang waist ni Bianca, na talaga namang pinapangalagaan ng dalaga.

"My trainer. And aside from that, of course, discipline sa workout and sa food na ini-intake ko."

Fitness buddies pa niya sina Miguel Tanfelix, Rodjun Cruz at Marco Alcaraz, na mga kasama niya sa squad goals.

"Kapag wala sila kapag nagwo-workout ako mag-isa minsan, ang lungkot. Kapag kasama ko sila kapag kasabay ko 'yung coach ko which is si coach Dan, iba 'yung drive. Mas marami akong nagagawa." — Jamil Santos/DVM, GMA News