Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anne Curtis nag-MRT para makahabol sa concert ni Kylie Minogue


-Anne Curtis mula sa yfrog.com
‘Hulaan n’yo kung nasaan ako para makahabol kay Kylie (Minogue).’ Ito ang tanong na ipinost ng sikat na actress-tv host sa kanyang Twitter account na nagmamadaling makarating sa Araneta Center sa Cubao para makahabol sa concert ni Kylie Minogue nitong Martes ng gabi. Sa series ng tweets ni Anne Curtis, sinabi niya na kadarating lang niya mula sa Sydney at ang last stop niya ay Manila para sa concert Australian pop diva na si Kylie. “Just landed!!! I'm so late for Kylie!!! Should I dress up at take the MRT?!!!" saad sa tweet ni Anne. Kasunod nito ay nag-post na siya ng kanyang larawan na kuha sa loob ng MRT habang nakatayo at nakakapit sa loob ng tren. Sinabihan daw ang aktres na masuwerte siya dahil nataon na hindi siksikan sa MRT at nakapuwesto siya sa lugar na para sa mga babae lang. “Don't worry guys! I'm with my angel Maryann! And mababait lahat ng girls! D magulo! Picture picture taking lang at chikahan!" dagdag pa ng sexy actress. Tama naman daw ang kanyang desisyon na mag-MRT dahil nakikita niya mula sa MRT kung gaano ka-traffic sa EDSA. At hindi rin naman nasayang ang pagmamadali at pagsakay ni Anne ng MRT dahil sa magandang resulta ng concert ni Kylie. ‘@kylieminogue your concert was the most beautiful concert experience I've ever had! I love you and thank you for coming to the Philippines!" pahayag nito. - FRJimenez, GMA News
LOADING CONTENT