Alden Richards almost didn’t go to ‘Alakdana’ audition: I was one absence away from failing my P.E. class
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na matapos ang pagbida niya sa ilang commercials, unang nakasungkit ng role sa teleserye ang Pambansang Bae at Kapuso host-actor na si Alden Richards sa fantasy-horror drama series na “Alakdana” noong 2011.
Dito siya unang nakilala bilang magaling na aktor, at ito rin ang naging daan upang maiuwi niya ang kaniyang unang acting award—ang 2011 Golden Screen TV Award for Outstanding Breakthrough Performance by an Actor.
Gayunpaman, hindi alam ng marami na muntik nang hindi magpunta si Alden sa audition ng nasabing Kapuso show ilang taon na ang nakalilipas.
Napanghinaan ng loob ang binata noon dahil hanggang Top 60 lang siya sa reality-based artista search na “Starstruck,” at bigo rin siyang makapasok sa isa pang sikat na reality TV show sa bansa dahil “too boring” raw ang kuwento ng kaniyang buhay.
“After a year of auditions and rejections, I considered quitting. Sabi ko, ayoko na, because sayang ang time, sayang ang pera. I lived in Laguna, which meant I had to rent a van to get to and from places in Manila. It was too much,” kuwento ni Alden sa kaniyang librong “Alden Richards: In My Own Words.”
Noong araw rin na tinawagan siya upang mag-audition sa nasabing soap opera, nag-aaral pa si Alden bilang freshman sa kolehiyo.
Aniya, “It was tempting, but I was one absence away from failing my P.E. class. I was torn, kasi ang mahal ng units—I was already paying for my tuition from the money I made from commercials.”
“I had to pick between going to the audition (and possibly not even getting the part) and failing my class. It was a tough choice, but off to GMA I went. I arrived late at the audition because it was a last-minute decision. I went home that night with a heavy heart, thinking, 'I didn't get the part na nga, I failed a class pa,'” kuwento ni Alden.
Dagdag pa niya, “But right at that very moment, I received a call—I got the part! It was my first acting stint in GMA, for 'Alakdana.'”
Nakuha na niya ang kaniyang unang big project, nasungkit pa ni Alden ang kaniyang first acting award noong taong iyon.
Ayon sa Pambansang Bae, “I'll always be thankful I risked going to that audition. It was my first big project, for which I own the 2011 Golden Screen TV Award for Outstanding Breakthrough Performance by an Actor. I'll be forever grateful for it.”
Nasundan ang “Alakdana” ng iba pang projects, tulad ng "The Road," "One True Love," "Carmela," "Bet Ng Bayan," "Ilustrado," "Eat Bulaga!" "My Bebe Love," "Imagine You & Me," at marami pang iba.
Ibinahagi ni Alden ang kuwento ng kaniyang buhay—mula sa pangarap niyang maging piloto, ang pangarap ng kaniyang ina na maging bida siya sa “Marimar,” at ang pagsali niya sa iba't ibang pageants at auditions, hanggang sa tagumpay niya sa showbiz at ang relasyon nila ni Maine sa likod ng camera—sa librong “Alden Richards: In My Own Words,” na opisyal na inilunsad nitong Linggo. — RSJ, GMA News