Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS

Barretto family celebrates Inday Barretto’s 80th birthday


Nagsama-sama ang malaking pamilya ni Estrella “Inday” Barretto kamakailan lamang upang ipagdiwang ang kaniyang 80th birthday.

Kabilang ang mga Barretto sa pinakamalaking pamilya sa showbiz, kaya naman talagang star-studded ang birthday party ng kanilang matriarch sa isang sikat na hotel sa Manila.

Ilan lamang sa mga dumalo sina Claudine Barretto at Marjorie Barretto, kasama ang kani-kanilang mga anak na sina Sabina Santiago, Santino Santiago, Julia Barretto, Claudia Barretto, Dani Barretto, at Lean Marcus Barretto.

Naroon din sina Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada, Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Ryza Cenon, Pops Fernandez, Edu Manzano, at marami pang iba.

Silipin ang ilan sa mga tagpo mula sa 80th birthday ni Inday Barretto sa Champagne Room ng Manila Hotel:

— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News