ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards receives Gold Record award for ‘Say It Again’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa kaniyang pagpapakilig sa GMA Primetime series na “Destined To Be Yours,” patuloy rin ang pamamayagpag ng Kapuso actor at Pambansang Bae na si Alden Richards sa larangan ng musika.

Nitong Linggo, tinanggap ng aktor ang Gold Record Award para sa “Say It Again,” ang kaniyang album na inilunsad noong 2016.

 

Noong nakaraang taon, tinanggap rin ni Alden ang 8x Platinum Award para sa kaniyang album na “Wish I May.”

“Hindi para sa akin ito, para ito sa mga sumusuporta, at kay Lord, at sa nanay ko,” aniya sa naunang pahayag.

Abala ngayon si Alden sa paghahanda para sa kaniyang major solo concert na “Upsurge,” na sold-out agad ang tickets kahit na sa darating na May 27 pa magaganap sa Kia Theater, Quezon City.

Ayon sa Pambansang Bae, idaraos ang kaniyang bagong concert kasunod ng matagumpay na “Aldenvasion” event noong 2016 bilang pasasalamat sa kaniyang mga tagahanga, na naging daan upang maging certified hit ang kaniyang mga album. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News