Fans ng K-Pop group na Super Junior, dumagsa sa concert
Ngayong Sabado ng gabi na idinadaos ang concert ng sikat na K-Pop group na Super Junior na pinamagatang "Super Show 7" sa Mall of Asia Arena.
Ngunit Biyernes pa lang, nagdatingan na ang fans sa naturang venue.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa "Balitanghali Weekend," sinabing bahagyang naantala ang pila dahil sa malakas ngunit maikling buhos ng ulan.
Inaasahang magtatanghal ang pito mula sa 30 orihinal na bilang ng grupo.
Ipe-perfrom din nila ang kanilang hits tulad ng Sorry, Sorry, Bonamana at Black Suit.
Biyernes din ng gabi nang halos mapuno ang arrival area ng NAIA Terminal 1 ng fans ng Super Junior para salubungin ang kanilang mga idol.
Mas lalo pa silang kinilig nang ibaba ni Donghae ang bintana ng sasakyan para kumaway at mag-flying kiss pa.
Hindi pa nagpapigil ang ilan at hinabol pa ang sasakyan.
Kasabay na dumating ni Donghae sina Yesung, Hee-chul, Siwon Choi at Eunhyuk.
Pinasalamatan pa ni Siwon ang Pinoy fans sa kaniyang tweet.
Nauna nang dumating sa bansa si Lichyuk at Shindong noong Huwebes, at suwerte pa na makamayan ng ilang fans si Lichyuk. —Jamil Santos/DVM/KG, GMA News