ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
‘PROUD KAMI SA KANIYA’

Bossing Vic, suportado kay Alden sa ‘Victor Magtanggol’


Inihayag ni Bossing Vic Sotto ang kaniyang pagsuporta kay “Pambansang Bae” Alden Richards, na gaganap sa bagong GMA fantaserye na “Victor Magtanggol.”

“I’m sure it will be very successful, at alam ko naman ‘yung pagod at hirap na inaabot niya du’n eh. Dream role niya ‘yun eh so I wish him luck and gusto kong malaman niya na proud kami sa kaniya,” saad ni Bossing Vic nang makapanayam ng GMA News Online nitong Sabado.

Gumanap na rin si Bossing Vic bilang superhero ngunit sa pelikula naman, tulad nina Enteng Kabisote at Lastikman.

Samantala, gaganap naman si Alden sa fantaserye bilang si Victor, na may superhero alter ego na si “Hammerman.”

Hango ang Victor Magtanggol sa Norse mythology at iikot sa istorya ni Victor, na  madidiskubre ang kaniyang tadhana.

Ipinaliwanag ni Alden na hindi ito panggagaya ng konsepto ni Thor ng Marvel.

Kasabay nito, nagbigay na rin si Marian Rivera aka Super Ma’am ng kaniyang payo kay Alden tungkol sa pagiging superhero. — DVM, GMA News