Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jolina receives youth award from Bulacan


Jolina Magdangal of Norzagaray, Bulacan, received three awards in November, her birth month. She turned 28 last November 6. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jolina over the phone para tanungin kung paano siya magsi-celebrate ng Christmas and New Year. Binati na rin namin siya sa sunud-sunod na awards na natanggap niya last month. "Overwhelmed nga po ako nang makatanggap ako ng sulat mula sa Gintong Kabataan Award ng province of Bulacan," wika ni Jolens, ang palayaw ni Jolina. "Recipient daw po ako ng award for being an outstanding artist and celebrity who hails from the province. Hindi po lamang iyon, pagkatapos kong tanggapin ang award last November 9, binigyan din nila ako ng star sa Walk of Fame sa provincial capitol's Garden of Heroes and Artists." Nasundan raw iyon ng Best Talent Search Host Award by the Philippine Movie Press Club (PMPC) kasama ang mga co-hosts niya sa StarStruck na sina Dingdong Dantes at Raymond Gutierrez last November 18. Kung matatandaan, minsan na rin siyang tumanggap ng Darling of the Press Award mula sa PMPC. At noong November 25, tinanggap din niya mula sa FAMAS ang Golden Artist Award, which is given to Filipino artists with outstanding achievements not only in entertainment but also in other fields. "Sa huling award po na natanggap ko, naisip ko na sa kabila ng kaguluhan at intrigang kakabit ng showbiz, ang mga artistang nagsikap, naging magandang example sa mga tao at naging professional sa kanilang trabaho ay napapansin din at nabibigyan ng tamang recognition. Kaya thankful po ako sa lahat ng mga tumulong at sumuporta sa akin simula pa nang pasukin ko ang showbiz, tulad po ng mga TV networks, movie companies, recording companies, award-giving bodies, concert producers, advertisers at sa mga fans. Kung hindi po sa inyong lahat, hindi po ako makikilala, wala po ako rito," taus-pusong sabi ni Jolina. Paano niya isi-celebrate ang Christmas and New Year? Kasama ba niya ang boyfriend niyang si Atty. Bebong Muñoz? "Magkasama po kami ni Bebong sa Noche Buena sa bahay namin, pagkatapos sa kanila naman kami pupunta para makasama ang parents niya. Ganoon din po sa New Year's Eve, magkasama rin muna kami ni Bebong sa bahay namin, tapos sa kanila. Tradition na po kasi sa family namin na salubungin ang New Year na magkakasama, kaya hindi po ako tumatanggap ng trabaho, kahit po iyong countdown ng GMA-7, hindi ako sumama." Nang tanungin naman siya tungkol sa regalo niya sa kanyang nobyo, secret daw ito. Ano ang mga plano ni Jolens for 2008? "Magkakaroon po ako ng shows sa San Francisco, Los Angeles and San Diego, California, sa February, Fina-finalize na po lamang namin ang ilang pang details ng show. Iyon po, inaayos na rin ang gagawin kong movie to be shot abroad sa first quarter of 2008. Magiging co-producers po kasi dito ang ilang business conglomerates kaya kailangan po ay maayos ang lahat. Saka ko na lamang idedetalye ang lahat kapag plantsado na ang ready na kaming mag-shoot. "Bago po ang shooting ko, may full-launching ako as e-Bay Style Ambassador. Ang e-Bay po ay isang online trading site sa Internet na puwede kayong bumili o magbenta ng mga gamit ninyo, brand new or second hand. Ipapasok ko po rito ang Jolina's Fashion Gallery ko and hopefully, magustuhan nila lahat ng mga products na ibebenta ko. May mga bago rin po akong endorsements na lalabas sa 2008." Hindi kaya dahil sa sobrang busy na naman niya, malimutan na niya ang pagpapakasal nila ni Bebong? "Basta po darating iyon. Nagkakaintindihan po kami ni Bebong na kailangang maging financially stable muna kami bago pasukin ang pagpapamilya. 'Saka kasisimula pa po lamang ni Bebong sa kanyang trabaho last month at doon din po muna siya naka-focus. What's important, may time na kami sa isa't isa ngayon, hindi tulad noong nasa New York siya at nandito ako sa Pilipinas. Ang totoo po, ngayon lamang namin fully nai-enjoy ang pagiging mag-sweetheart," pagbabahagi ni Jolina. - Philippine Entertainment Portal