Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca Manalo reveals John Prats broke up with her through text


Naitanong at kinumusta ng PEP sa beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo ang ex-boyfriend na si John Prats, na malapit nang ikasal sa aktres na si Isabel Oli.
 
Matatandaang hindi naging maganda ang hiwalayan nina Bianca at John noong 2012.
 
Pahayag ni Bianca tungkol kay John, “Alam mo, hanggang ngayon, wala talaga kaming usap. Bad ending talaga, e.”
 
Aminado si Bianca na bad breakup ang nangyari sa kanila ni John kahit kulang sa isang taon lamang ang itinagal ng relasyon nila.
 
Hindi pa rin daw dumarating ang pagkakataong aksidenteng nagkita sila.
 
Saad niya, “Alam mo, ako, yun ang pinagpi-pray ko, dahil sa akin, wala na yun, e. 
 
"Ayoko lang na may bad blood with anyone.
 
"Pero wala, parang hindi rin kami binigyan ng chance na magkita."
 
Hindi ba sumubok si John na magkaroon sila ng maayos na closure pagkatapos nilang mag-break?
 
Umiling si Bianca at natatawa na lang sinabi na, "Hiniwalayan ako sa text!"
 
Ngayong malapit nang ikasal si John, ano ang naramdaman niya?
 
“Masaya ako, finally,” sambit ni Bianca.
 
Saan nanggagaling yung saya niya?
 
“E, kasi, alam ko naman na siya yung tipo ng lalaki na gusto talagang magpakasal one day.
 
"Para yatang napag-usapan din ‘yan, noong kami, napag-usapan din ‘yan.
 
"Hindi natuloy, so nag-break kami."
 
Pag-amin pa niya, “Nasaktan talaga ako.
 
“We had so many plans, what happened?
 
"'Tapos noong nalaman ko na may iba na siyang girlfriend at nag-propose siya, wow, finally, natuloy na.”
 
Paano kung aksidenteng magkita sila ni John, ano ang gagawin niya?
 
Natatawang sagot niya, “Hindi ko alam... siguro ngingiti ako!”
 
Hihintayin ba niyang mauna siyang batiin ni John?
 
“I don’t think na gagawin niya yun, hindi naman niya kinakausap yung mga ex niya."
 
"Kasi dati, nag-a-ASAP kami, dadaan si Shaina [Magdayao], wala, deadma." —PEP