Find out why comedienne Lovely Abella calls Jose Manalo 'Daddy'

“Daddy” ang tawag ng dancer-turned-comedienne ng Sunday PinaSaya na si Lovely Abella kay Jose Manalo.
Ito ay dahil boyfriend ni Lovely ang anak ni Jose na si Benj Manalo.
Two years na raw ang relasyon nila at may isang taon na rin silang nagsasama sa iisang bubong.
Si Benj ay isang theater actor at kasalukuyang lumalabas sa musical na Rak of Aegis.
Ayon kay Lovely, maganda ang pagtanggap sa kaniya ni Jose bilang girlfriend ng kanyang anak.
Kuwento ni Lovely, “Okey naman po kami ni Daddy Jose, lalo pa’t magkasama pa kami sa Sunday PinaSaya.
“Isa siya sa mga nahihingan ko ng advice when it comes to comedy, idol ko po sila ni Kuya Wally [Bayola].
“Mabait po si Daddy Jose at lagi niyang kaming kinukumusta ni Benj.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovely sa presscon para sa first anniversary ng Sunday PinaSaya, na ginanap sa Le Reve Events and Pool Place, sa Quezon City, noong Miyerkules, August 24.
Ayon pa kay Lovely, wala pa sa plano nila ni Benj ang magpakasal.
Paliwanag niya, “Pareho kaming nagsisimula sa mga career namin sa showbiz.
“Kaya gusto naming mag-concentrate muna sa trabaho namin.
“Gusto rin naming makaipon muna bago kami pumasok sa pagpapakasal.”
Kuwento pa ni Lovely, “Tsaka inaalagaan ko po ang mamang ko, lola ko po siya.
“Pero siya ang nagpalaki sa akin simula noong bata ako.
“May sakit siya ngayon kaya ako ang nag-aalaga sa kanya, kasama namin siya ni Benj sa bahay.
“Gusto kong maibigay ang lahat ng puwede kong mabigay sa mamang ko habang kasama ko siya.
“Ang maganda kay Benj, tinutulungan niya ako sa pag-asikaso sa mamang ko.
“Kaya mas lalo siyang napapamahal sa akin.”
Alam naman daw ni Lovely na may gap ang mag-amang Jose at Benj. Ipinagdarasal daw niyang magkasundo na ang mag-ama.
“Si Benj naman, hindi siya nagkukuwento sa akin tungkol diyan, may nakakarating lang sa akin na mga usap-usapan.
“Dasal ko naman na one day ay magiging maayos ang lahat sa kanila.
“Daddy pa rin ni Benj si Jose, hindi puwedeng hindi sila magkasundo balang-araw.” -- For the full story, visit PEP.ph