Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Contis opens up about relationship with LJ Reyes


Kung noon ay tikom ang bibig ni Paolo Contis tuwing natatanong tungkol sa relasyon nila ni LJ Reyes, ngayon ay tila bukas na ang aktor sa kung anumang namamagitan sa kanila.

“Okay naman, okay naman,” sagot ni Paolo nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang lovelife.

Biniro namin si Paolo na dapat lang naman na umamin na siya tungkol sa kanila ni LJ.

“Basta masaya kami ni LJ, masaya kami,” sambit niya.

Ano ang estado nila ngayon?

Tugon ng Kapuso actor, “Masaya, masaya.

“The privacy that LJ and I have is working, that we do not talk about whatever we have.

“Anyway, action speaks louder than words na, e. People see us out.”

Ano ba ang dahilan at hindi sila diretsahang umaamin?

“Wala naman! Kasi feeling ko, I think kasi we have been in the public eye too much, it’s sometimes nice to…

“Alam mo, kahit yung sa puso lang namin, yung feeling naming may naitatago kami, I think malaking bagay yun.”

Mas may kilig ba na may misteryo sila sa publiko?

“Hindi kilig, e, mas may sense of privacy na we have something that’s ours only.”

Noon ay very open si Paolo sa personal niyang buhay; ngayon na may 'itinatago' siya sa publiko, mas nakatulong ba iyon para mas maging maayos ang sitwasyon nila ni LJ?

Tugon niya, “Yes, yes! I think it is working.

“Same thing with her, open book naman si LJ, e.

“I think, right now, sige, what you see is what you get!

“I don’t think we owe it to the public na, ‘Kailangan alam niyo lahat?’

“E, nakikita niyo naman.”

Na hindi kailangan ng description o explanation tungkol sa kanilang relasyon?

“Oo,” pagsang-ayon ng aktor.

Nakapanayam ng PEP at iba pang reporters si Paolo sa presscon ng upcoming GMA primetime series na Alyas Robin Hood, sa Le Reve Events Place, Sgt. Esguerra, Quezon City, noong Linggo, September 11.-- For the full story, visit PEP.ph

LOADING CONTENT