Filtered By: Showbiz
Showbiz
ALAMIN

Max Collins, mag-'yes' kaya kapag inalok ng kasal ng boyfriend na si Pancho Magno?



"I’m thankful, blessed."

Ito ang nakangiting sabi ni Max Collins tungkol sa kanyang career at love life.

Pareho nga raw silang abala ngayon sa trabaho ng boyfriend niyang si Pancho Magno.

Si Max ay kasalukuyang ginagawa ang pelikulang Citizen Jake, habang si Pancho ay kasama sa cast ng primetime series na Encantadia.

Ayon sa Kapuso actress, "Kapag may free day siya at free rin ako, saka lang kami nagkikita.

“Pero kahit hindi [nagkikita], nag-uusap naman kami.

"Understood naman dahil ito lang ang panahon na busy kami.

"Siguro depende sa contentment mo, like, ako right now, masasabi kong happy ako, contented ako sa career, happy ako sa love life."

Apat na taon na raw ang relasyon nila at tila handa na si Pancho na magpakasal, pero alanganin pa si Max.

"Tumatanda na kasi siya!" biro niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Seryosong paliwanag ng aktres, "Well, family-oriented person talaga siya.

“Yun talaga ang goal niya sa buhay, to have his own family.

“But he's willing to consider din naman my dreams today, which is my work.

“Iniintindi lang niya yung mga situation… Magbabago talaga ang career namin if we move and have a family.

“So, we're just taking it slow, lalo na for me, for now.

"Alam naman niya na kailangan ko ng time for work.

“Siyempre kapag married na, may family na, iba na ang path.

“That's the next chapter naman in the future."

Hindi naman daw niya tatanggihan sakaling mag-propose na sa kanya si Pancho.

"Pero alam niya kasi na hindi pa ako ready, kinukonsider niya 'yon."

Matapos ang primetime series na "Someone To Watch Over Me," busy ngayon si Max sa shooting ng pelikulang "Citizen Jake, " at mapapanood din siya sa "Alex and Amie" sa GMA News TV.

Samantala, kasama naman si Pancho sa hit telefantasya na, "Encantadia." -- For the full story, visit PEP.ph