ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

La Diva's Maricris Garcia admits having special someone


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA, Philippines - Inamin ng Pinoy Pop Superstar Year-3 grand champion na si Maricris Garcia na isang awitan na kasama sa kanyang album na “Mahal Kita" ang iniaalay niya sa kanyang “special someone." Pero tumanggi si Maricris na tukuyin sa Chika Minute portion ng GMA new 24 Oras kung sino ang kanyang special someone. Pero masaya raw siya at labis na nagpapasalamat sa ibinigay na album ng GMA Records. “May someone lang na very close ganyan…ayun sa kanya," sambit ni Maricris na miyembro ng grupong “La Diva." Bukod kay Maricris, kasama sa “La Diva" sina Aicelle Santos at Jonalyn Viray na mapapanood sa musical-variety show sa Kapuso Network na “SOP" tuwing Linggo. - Fidel Jimenez, GMANews.TV