ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Patrick Garcia's mom: We'll visit Jennylyn's child if invited


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
PEPKinuha ng The Buzz ang reaksyon ng ina ni Patrick Garcia na si Mrs. Bing Garcia tungkol sa kumakalat na usapin na diumano'y hindi pa alam ni Patrick na nagsilang na si Jennylyn ng kanilang anak na pinangalanan ng Starstruck alumna na Alex Jazz. "Hindi ko pa nabalita, e," pahayag ni Mrs. Garcia kay Jobert Sucaldito ng The Buzz. May nagsasabi na kamukha raw ni Patrick si Baby Jazz. "Wala akong masasabi dahil hindi ko pa naman nakikita, e." Tinanong ni Jobert si Mrs. Garcia kung willing ba sila na suportahan ang batang isinilang ni Jennylyn. "Kami naman, nandiyan palagi. Anytime siyempre, ‘di ba? Ayaw mo naman maging gate crasher, ‘di ba? Nandiyan lang kami." May kumakalat din na tsismis na wala naman daw sa Amerika si Patrick at nabalitang nasa rehab. "Rehab dito sa Pilipinas? Meron bang makakalusot dito sa Pilipinas? Wala dito si Patrick. Kung saan man siya, sa ibang bansa, kineep lang namin na secret at private. Yun ang point ng bakasyon niya." Ayon pa kay Mrs. Garcia, bago matapos ang buwan ng Setyembre, babalik na sa bansa si Patrick para dumalo sa kasal ng kapatid na si Cheska Garcia sa Oktubre. At bukas ang pamilya nila sa posibilidad na madalaw si Baby Jazz kung iimbitahan sila. "Kung hindi naman kami welcome, ayaw naman namin ipilit yung sarili namin. Gusto na lang namin may invitation," tapos ni Mrs. Garcia. - Philippine Entertainment Portal