ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga Hultman tinawag na ipokrito ng DOJ secretary


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Tinawag ni Justice Secretary Raul Gonzalez nitong Huwebes na “ipokrito na pwedeng tumalon na lang sa lawa" ang mga magulang ng pinaslang na teenager na si Maureen Hultman, kaugnay pa rin sa pagpapalaya ng pamahalaan sa salarin na si Claudio Teehankee Jr. Ang pahayag ay ginawa ni Gonzalez kasunod ng pagbatikos ng mga Hultman sa ginawang pagpapalaya kay Teehankee na binigyan ng executive clemency matapos makulong ng may 17-taon. Iginiit ng mga Hultman na hindi sila nakunsulta sa pagpapalaya kay Teehankee at hindi rin kapalit ng pagtanggap nila ng danyos ang hindi nila kokontrahin kapag tumanggap ito ng pardon. Ngunit nanindigan si Gonzalez na naayon sa batas at transparent ang proseso ng pamahalaan nang igawad ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kalayaan ni Teehankee noong nakaraang linggo. “His (pardon) was not done in anticipation of any political deal with the Teehankee family. There is no political motivation," ayon sa kalihim. "So they cannot say that they don't know that Teehankee will be released. They are hypocrites," aniya. “If they can't accept it, they can jump into the lake... very wide naman ang North Sea." Si Teehankee ay inakusahan na pumatay kay Maureen at sa kaibigan nito noong 1991 sa Dasmarinas village sa Makati. Taong 1995 nang hatulan siya ng korte at makulong sa New Bilibid Prison. Sinabi ni Gonzalez na kwalipikado si Teehankee na tumanggap ng pardon dahil matagal na itong nakulong at nagpakita ng magandang asal sa loob ng kulungan. Nanindigan din ang kalihim na walang nilabag na kahit anumang patakaran ang pamahalaan sa ginawang pagpapalaya kay Teehankee. Sa panayam sa ina ni Maureen na si Vivian sa Sweden, tinawag nito na ang pagpapalaya kay Teehenkee ay ginawa, "in sneaky and hasty way." "It was done in a sneaky and hasty way and without following procedures... You think you got justice because the murderer was convicted and then suddenly you try to live a normal life, you move here in Sweden, and now this happens again," pahayag ni Gng Vivian sa ulat ng GMA news' 24 Oras. - GMANews.TV