ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kalansay sa kampo ng Army pinapasuri kung sa nawawalang UP students


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Hiniling ni Senador Francis Pangilinan nitong Miyerkules sa mga awtoridad na kilalanin ang mga labi na natagpuan kamakailan sa loob ng dating kampo ng militar sa Bataan kung ito ang nawawalang mga estudyante ng University of the Philippines. Sinabi ng senador sa isang pahayag na dapat matukoy kaagad ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakakilanlan ng nakitang kalansay upang malinawan kung ito ang mga nawawalang estudyante ng UP dalawang taon na ang nakalilipas. “Pagkatapos na matagpuan ang ilang piraso ng buto sa army detachment sa Camp Limay, Bataan, dapat kilalanin kaagad ng awtoridad ang mga labi kung ito ay sa nawawalang sina Sherly Cadapan at Karen Empeno," ayon sa mambabatas. "The case of the missing UP students has dragged on for 2 years and we have yet to put an end to the sufferings of their families by finding their whereabouts. This reflects the competence of our law enforcement agencies, and the military's refusal to fully cooperate only aggravates the situation," idinagdag niya. Nagkaroon ng hinala na baka sa dalawang estudyante ang nakitang mga buto matapos ihayag ng testigong si Raymond Manalo na nakita niya sina Cadapan at Empeno sa kustodiya ng militar sa dating army detachment sa Limay, Bataan. Nauna nang nagtungo si Commission on Human Rights Chair Leila de Lima sa Bataan upang inspeksiyunin ang lugar na kung saan inilibing ang mga labi na pinapaniwalaang biktima ng extra-judicial killing. Nagpalabas na rin ang Supreme Court ng writ of amparo upang hanapin ang dalawang nawawalang estudyante pero mabilis na isinagot ng militar na hindi matagpuan ang labi ng biktima sa alinmang kampo nito. "We call for the swift identification of the remains found in Bataan so that we swiftly prosecute the culprits. Whether or not the bodies belong to Empeño and Cadapan, our military must answer to their abductions. We cannot afford to have an armed forces marred by state terrorism," pahabol ni Pangilinan. – GMANews.TV