ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents Unforgettable Wish Reunions
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on November 22, 2008 Saturday, 11:30 p.m. This Saturday, Sine Totoo presents two of Wish Ko Lang's most unforgettable reunions. The idea of twins separated at birth may seem like an urban legend, but for Judy and Danica, it was their true to life story. As newborns, the girls were given away to different families. Judy grew up in Marikina, where she is now a college student. Danica was raised by a childless couple in Pampanga, who could only afford to send her to high school. At eighteen, the twins could only dream of finding each other until Wish Ko Lang's staff showed up to grant their life-long wish. After leaving his wife, Tatay Nelson never saw his children again, a decision he regretted in his old age. When he developed a fatal tumor in his liver, he became more and more anxious to find his long-lost children. On his 59th birthday, Wish Ko Lang! granted Tatay Nelson's wish - one that turned out to be the old man's last. As part of this special episode, Sine Totoo host Howie Severino briefly discusses the techniques used by Wish Ko Lang's production team to research and document these heartwarming reunions. Catch them again this Saturday late night only on Sine Totoo.
Ngayong Sabado, tampok sa Sine Totoo ang dalawa sa 'di malilimutang kuwento ng muling pagtatagpo ng programang Wish Ko Lang! Nang sila'y ipanganak, ipinamigay sa magkaibang pamilya ang magkambal na sina Judy at Danica. Lumaki si Judy sa Marikina, na ngayo'y nagsisipag na magtapos ng kolehiyo. Isang mag-asawang walang anak naman sa Pampanga ang umampon kay Danica. Dahil sa kahirapan, high school lang ang kanyang natapos. Bagama't mahal sila ng mga umampon sa kanilang magulang, hindi pa rin mawala sa kambal ang matinding pagnanais na makilala ang isa't isa. Ito ay binigyang katuparan ng Wish Ko Lang! Nang maghiwalay si Tatay Nelson at ang kanyang asawa, hindi na niya nakita pa ang dalawa niyang anak. Makalipas ang 20 taon, nagkaroon ng tumor sa atay si Tatay Nelson - dahilan para mas lalo pang tumindi ang pagnanais niyang makitang muli ang mga anak. Hinanap ng Wish Ko Lang! ang nawalay niyang mga anak at ito na pala ang magiging kahuli-hulihang kahilingan ng matanda. Bago muling ipalabas ang mga storyang ito, ipaliliwanag ni Howie Severino ng Sine Totoo ang paraan na ginagawa ng produksyon upang mabuo ang ganitong uri ng dokumentaryo. Kaya huwag palampasin ang kuwento ng mga muling pagtatagpo ng magkakapamilya ... ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo.

Tags: sinetotoo
More Videos
Most Popular