ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Yasmien spent X'mas in Marky Cielo's mountains


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nitong nakaraang mahabang Christmas break, ibang klaseng treat sa sarili at sa mga mahal sa buhay ang ginawa ni Yasmien Kurdi. Bumiyahe up north si Yasmien para makita ang magagandang tanawin sa Sagada, Mountain Province, at sa Baguio. Ito na rin ang pagkakataon para madalaw ni Yasmien ang kanyang mahal na kaibigang namayapa na si Marky Cielo. Kasama ni Yas sa kanyang road trip to the north ang kanyang Mommy Miriam, ang kanyang lola at dalawang members ng MarYas fans club nila ni Marky na sina Ate Lanie at Kuya Manny. Sa pakikipag-usap ni Yasmien sa PEP (Philippine Entertainment Portal), talagang naging super close daw sila ni Marky noong buhay pa ito. "Grabe, dalawang beses sa loob ng isang linggo kami magkasama nung tao, ‘tapos nakilala ko siya nang sobra." Yas particularly liked being with Marky sa GMA-7 anime series na Bleach kunsaan binobosesan ni Marky ang character na si Ichigo Kurosaki habang si Yas naman ang character na si Rukia Kuchiki. "Nai-dub na ni Boknoi hanggang episode 118," ani Yasmien, referring to Marky's dubbing of his character na si Ichigo. During this interview, sinabi ni Yas na may ida-dub pa siyang dalawang episodes sa mga natapos na ni Marky. Kaya nga raw mas lalo siyang makakadama ng lungkot pagdating na ng dubbing. Mami-miss niya raw kasi talaga ang kaibigan. Kinuwento ni Yas ang experience niya ng pag-akyat sa norte for the long Christmas break. "Grabe from Q.C. to Baguio, 5 to 8 hours drive. Then nag-check-in muna kami sa Baguio dahil nakakapagod. Kumain kami sa sikat na resturant na Oh My Gulay!. Ang ganda pala dun." Kuwento pa ni Yas, napaka-artistic daw ng Oh My Gulay! restaurant. Pag-aari daw ito ng Filipino indie/short film pioneer na si Kidlat Tahimik. "Ang sarap ng food. Kasi vegetarian restaurant siya!" rave pa ni Yas tungkol sa restaurant. Habang paakyat daw sila papuntang Mt. Province, lalo raw nakilala ni Yasmien ang namayapang kaibigang si Marky. "Habang nasa way ako papunta doon [lugar nina Marky], lalo ko nakilala si Marky Cielo nang lubusan, though kilala ko siya. Doon ko nalaman kung bakit siya ganun. Ngayon ko lang naintindihan..." may kahulugang kuwento ni Yasmien. Agad tinanong ng PEP kung ano ang ibig niyang sabihin sa tinuran niya. "Kung bakit siya ganun kabait...at ganun kumilos. Kung bakit lagi siyang naka-smile..." alaala ni Yas sa kaibigan. Mistulang piyesta raw para kay Yasmien nang handaan na sila ng pagkain ng mommy ni Marky na si Mildred Cadaweng. "Si Tita Mildred pina-try pa sa ‘min ang rice wine... Ang sarap! Pinakain kami doon. Ang sabi ko nga mabubuhay ako doon kasi madaming gulay!" Nang dumating naman sa sandali ng pagbisita sa puntod ni Marky, talagang nakadama agad ng pagkalungkot at denial si Yas. "Di ko pa rin matanggap na wala na si Bok!" kuwento ni Yas. "Hindi ko nga malapitan ang puntod niya, e. Kaya ang sabi ko kay Bok, ‘Sige, mauna na ‘ko, ha.'" Sa kuwento pa ni Yasmien, sinubukan din nilang mag-ina ang pumasok sa isang kuweba, pumunta sa pinakamalalim na parte nito at ang pagsa-sight seeing niya sa Cordillera, which includes lush green mountains, mga rice terraces at ang hanging coffins. - Philippine Entertainment Portal

Tags: markycielo