ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Tarsier bawal ng pagkakitaan sa Bohol
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Hindi na magiging madali sa mga turistang dadayo sa lalawigan ng Bohol na magpakuha ng larawan kasama ang mga cute na tarsier â ang pinakamaliit na unggoy sa mundo. Ito ay matapos magpasa ng batas ang Sangguniang Panlalawigan ng Bohol na nagbabawal na mag-alaga ng mga tarsier at gawing display sa mga establisimyento para makaakit ng mga turista. Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing nakararanas ng stress mga hayop kapag nakakasalamuha ng mga tao. Nais umano ng pamahalaang panglalawigan ng Bohol na ibalik ang mga tarsier sa kanilang natural na tirahan sa gubat. Nagpasa rin ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan upang hilingin sa Department of Environment and Natural Resources na itigil ang pagkakaloob ng wildlife farm permits, special permits at iba pang permit upang pahintulutan ang pag-aalaga, pag-display at pagkakitaan ang tarsier. Naalarma na umano ang mga opisyal sa Bohol sa pagdami ng mga establisimyento na nag-aalaga ng tarsier upang makaakit ng mga kliyente. Maliban sa Bohol, makikita rin ang tarsier sa iba pang lalawigan sa Visayas at Mindanao tulad ng Samar, Surigao at Sulu. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular