Jay-R back in RP after tragic incident in US
Bumalik na sa bansa ang R&B singer na si Jay-R kasama ang kanyang nobya mula sa United States. Matatandaan na kasama ang dalawa sa malagim na aksidente sa US noong Enero kung saan nasawi ang kapatid ng kanyang kasintahan. Sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Biyernes, sinabing bakas pa rin ang kalungkutan sa mata ni Jay-R dahil sa naganap na aksidente. Umaasa umano ang mang-aawit na makatutulong ang kanyang pagbabalik sa trabaho sa GMA Network upang malampasan ang masaklap na karanasan sa US. Matatandaan na nag-hiking si Jay-R kasama ang kasintahang si Lisa at kapatid ng huli na si Myra sa Los Angeles noong Enero 11. Isang tunnel na inakala nilang abandonado ang pinasok nila at doon naganap ang trahedya. Habang nasa loob ng tunnel, biglang may dumaang tren at nahagip si Myra na siyang dahilan ng kaagad nitong pagkamatay. Maswerte namang nakaligtas sina Jay-R at nobya niyang si Lisa. âIâm OK," matipid na sagot ni Jay-R. âI have commitments, to GMA especially so I have to get back to finish my commitments." May mensahe rin siya sa kanyang mga tagahanga. âEverybody, I been gone so long, now Iâm back hope you guys understand," pahayag ng singer-actor na huling napanood sa katatapos na soap sa Kapuso Network na âLalola." - Fidel Jimenez, GMANews.TV