ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jay-R back in RP after traumatic LA experience


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dumating na sa bansa noong Martes, February 26, ang RnB singer at SOP host na si Jay-R mula sa Los Angeles. Hindi man pinaplano, pero napatagal nga ang pagbabakasyon at hindi muna pag-uwi ni Jay-R sa bansa dahil sa trahedyang kinasangkutan niya, ng kanyang girlfriend, at dahilan para masawi ang kapatid ng kanyang girlfriend. Una ngang mapapansin kay Jay-R ay ang tumubo nang buhok ng singer. "Yeah, malamig dun, e, kaya nagpatubo muna 'ko ng buhok." Pero nang kumustahin na ang kalagayan niya matapos ang trahedyang na-experience niya sa L.A., nasabi ng tinaguriang Philippine RnB Prince na, "Kayo naman... pinapaiyak n'yo naman ako." Matatandaang na-involve sa isang malagim na trahedya si Jay-R. Masaya sana ang hiking niya kasama ang kanyang girlfriend, kapatid nito at dalawa pang kaibigan pero nauwi sa pagkamatay ng kapatid ng girlfriend niya. Nasabit ito sa estribo ng rumaragasang tren sa dinaanan nilang tunnel sa L.A. "'Eto, everyday, iyakin pa rin. Medyo mahirap talaga ang nangyari. Mahirap na iwanan ang pamilya ko dun, pamilya nila. You know, siyempre, yung support na nandoon kami para sa kanila at nandoon sila para sa amin, iba rin, e." After recovering from that trauma, sinabi nga ni Jay-R na handa na siya ngayong bumalik sa trabaho. "I have to come back siyempre. Ang dami kong na-start na dito na kailangan kong tapusin. May mga kaibigan din ako rito. Pamilya ko rin, mga business ko, kayo...I'll be back in SOP, back to work, a couple of shows." Pero mas malamang daw, Jay-R will be working more at home muna. "I want to work at home. Do recording, out of the public eye muna," nakangiti naman niyang pahayag. - Philippine Entertainment Portal

Tags: jayr, rnbprince