ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Proseso sa pagbibigay ng pardon dapat ilantad - Escudero
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nais ni Senador Francis Escudero na magkaroon na transparency sa pagbibigay ng executive clemency ng Malacanang sa mga bilanggo bunga ng sunud-sunod na pagpalaya sa mga preso na sangkot sa tinatawag na âhigh profile cases." Bagaman kinikilala umano ng mambabatas ang kapangyarihan ng Pangulo na magpataw ng kapatawan sa mga bilanggo, sinabi nito na kailangang maipaliwanag sa publiko ang basehan nito upang maalis ang mga maling hinala. âWhile the power to pardon and commute sentences is absolute, it should be exercised with utmost transparency in order to afford all interested parties the opportunity to be heard and their position and opinion be considered before the President decides," ayon kay Escudero. Pinakabagong pinagkalooban ng executive clemency ng Malacanang si Rodolfo Manalili, ang itinuturong utak sa pagpaslang sa magkasintahang sina Ernesto Bernabe at Anna Lourdes Castanos noong 1990. Bago si Manalili, ilan pa sa mga âkontrobersyal" na bilanggo na pinalaya ng Malacanang ay ang mga sundalong pumatay umano kay dating Senador Benigno âNinoy" Aquino, dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos at Norberto Manero. Ayon kay Escudero dapat isapubliko ng Board of Pardons and Parole (BPP) ang proseso sa pagkwenta nito sa tagal sa piitan ng preso na inirerekomenda nila sa Pangulo na bigyan ng kapatawaran. Sa ganitong paraan, ayon sa senador, ay magkakaroon ng pagkakataon ang pamilya ng kanilang biktima na kwestyunin at pigilin sa korte ang rekomendasyon ng BPP. âInforming the families of victims must be given an opportunity to oppose or build a case against the application for clemency, if they so choose. What happens now is we are being surprised by the grant of clemencies left and right," paliwanag niya. Idinagdag ni Escudero na dapat timbangin din ng Pangulo ang kanyang mga desisyon sa pagkakaloob ng kapatawan at hindi basta umasa na lamang sa rekomendasyon ng BPP. âThis is one government process where transparency is of utmost importance. The grant of clemency to a prisoner evokes strong emotions, especially from the families of the victims. We should not take this lightly, as this administration does," pahayag nito. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular