ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
ZTE-NBN deal witness Lozada dinakip; Defensor: 'Di ko siya gustong makulong
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Dinakip nitong Miyerkules ng mga pulis ang dating Senate witness na si Rodolfo Noel âJun" Lozada Jr, na nagbigay ng testimonya tungkol sa umanoây maanomalyang kontrata ng pamahalaang Arroyo at ZTE Corporation ng China na nagkakahalaga ng $329-milyon para sa national broadband network project. Tanghali nitong Miyerkules nang ihain ng isang grupo ng mga pulis mula sa Maynila ang arrest warrant laban kay Lozada sa De la Salle Greenhills sa San Juan City. Ang arrest warrant ay ipinalabas ng Manila Regional Trail Court kaugnay ng perjury case na isinampa ni dating presidential chief of staff Michael Defensor laban kay Lozada. Iginiit ni Defensor na ang kasong isinampa niya ay bunga ng magkakaibang testimonya ni Lozada na binitiwan sa mga dinaluhan nitong pagdinig tungkol sa ZTE-NBN deal kung saan nadawit ang kanyang pangalan. Ayon kay SPO3 Pablo Flores ng MPD Warrant and Subpoena Section, dadalhin nila si Lozada sa kanilang headquarters para sa dokumentasyon. Hindi kaagad masabi ni Flores kung makukulong si Lozada sa kanilang himpilan o sa Manila City Jail. Kusang sumama naman si Lozada sa mga pulis nang dumating si Atty. Jose Manuel Diokno para matiyak na hindi malalabag ang karapatan ng dating testigo ng Senado. âKahit isang abogado ay makarating to make sure that everything is correct. Sasama naman ako nang matiwasay," pahayag ni Lozada nang makapanayam ng dzBB radio. Sinamahan si Lozada ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) na pinamumunuan ni Sister Mary John Mananzan at mga tauhan ng Senate sergeant-at-arms. Nandoon din si Sen. Alan Peter Cayetano, dating chairman ng Senate Blue Ribbon committee na nagsiyasat sa ZTE-NBN deal kung saan humarap si Lozada. Dahil sa mga kontrobersya, kinansela ni Pangulong Gloria Arroyo ang naturang kontrata noong 2007 at naging dahilan ng pagbibitiw si Benjamin Abalos, bilang pinuno ng Commission on Election matapos madawit din umanoây anomalya. Nadamay din sa iskandalo sina First Gentleman Jose Miguel Arroyo at dating economic planning Sec. Romulo Neri. Para sa katotohanan Sa press conference na ipinatawag ni Defensor nitong Miyerkules ng umaga, iginiit nito na hindi niya nais gipitin si Lozada at walang kinalaman ang gobyerno sa isinampa niyang kaso. âInuulit ko ho na âdi ko nais ipakulong si Mr. Lozada. My only intent is to clear my name and my lawyer was the one who filed the necessary charges. This is not political for me," ayon kay Defensor. Sa hiwalay na panayam, iginiit ng dating kalihim na tulad ni Lozada ay mayroon din siyang mga anak na nais niyang protektahan dahil dinadala nito ang kanyang pangalan. âAng sa akin gusto ko lumabas at malaman ng mga tao kung sino ang nagsasabi ng totoo. Wala akong balak na ipakulong siya dahil kaibigan ko rin naman si Jun (Lozada), kahit ako pa ang magbayad ng piyansa niya," pahayag ni Defensor. Ngunit kailangan umanong magkaroon ng pagdinig sa kanyang kaso sa tamang lugar upang mailahad niya ang kanyang mga katibayan at testigo na magpapatunay na hindi niya pinuwersa o ginipit si Lozada tungkol sa ZTE-NBN deal. Sa naturang press conference, iginiit ni Defensor na: âMagkaiba 'yung sinasabi niyaâ¦If I donât correct and amend it, âdi habang-buhay ko na kakargahin ito at ng mga anak ko." Wala rin umanong katotohanan na ang kasong isinampa niya kay Lozada ay bahagi ng ginagawang panggigipit ng pamahalaan dahil sa pagtestigo nito sa Senado. âI appeal to the public this administration is not against Lozada," aniya. Sa kabila nito, nandigan si Lozada na hindi siya magpipiyansa at paninindigan niya ang kanyang mga naunang sinabi tungkol sa ZTE-NBN deal. âGinagalang ko 'yung karapatan ni Mike Defensor na maglinis ng pangalan niya at ako, handa rin ako na panindigan ('yung sinabi ko)," ayon sa dating Senate witness. âPapanindigan ko na ginagawa lang niya ito para pagtakpan yung krimen ni Gloria Arroyo dito sa NBN-ZTE deal sa bayan," idinagdag niya. Magkaisa ang oposisyon Nagbabala naman si Sen Cayetano na nagbibigay ng maling mensahe ang pagdakip kay Lozada para sa iba pang nais magbunyag ng katiwalian laban sa gobyerno at nais tumestigo sa Senado. âNakalulungkot dahil ang pagdakip kay Lozada ay magdudulot ng takot sa iba pang gustong magsiwalat ng katiwalian pero hindi naman namin maprotektahan sa Senado pagkatapos," ayon sa senador. Aminado si Cayetano na nawalan ng proteksyon si Lozada mula sa Senado nang maalis na Senate President si Sen Manny Villar at ipalit ang kaalyado ng administrasyon na si Sen. Juan Ponce Enrile. âNanawagan ako sa lahat ng oposisyon sa Senado na magkaisa kami at talakayin namin ang problemang ito. Itigil muna namin ang ayaw namin at magkaisa kami na maprotektahan ang aming testigo," apela ni Cayetano. Idinagdag niya na mas malaking usapin ang pagdakip kay Lozada kaysa pagsalang kay Villar sa Senate Ethics committee dahil sa kontrobersyal na C-5 Road project. Ayon kay Cayetano, marami pang nalalaman si Lozada sa mga anomalya sa gobyerno tulad ng kontrobersyal na Northrail project ngunit nagtataka ito kung bakit walang ginagawang imbestigasyon ngayon ang Blue Ribbon committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon na kaalyado rin ng administrasyon. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular