ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
AFP 'di alam kung nasaan na ngayon si Vagni
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inamin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Biyernes na hindi nila batid kung saan ngayon itinatago ng bandidong Abu Sayyaf group ang bihag na Italyanong tauhan ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa Sulu. Sa panayam ng media, sinabi ni Col. Romeo Brawner Jr., hepe ng public affairs office ng AFP, na wala siyang natatanggap na impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Eugenio Vagni. Ang huling impormasyon umano tungkol kay Vagni ay naitala noong pang Mayo 8 nang tumawag ito sa kanyang asawa. âWe have proof of life, which was the telephone call. But as of now we are still continuing our rescue and intelligence operations because it is important to identify Vagniâs real location. In the last encounter that took place, we were hoping that he was with that group but he was not," pahayag ni Brawner. Sinabi ni Brawner na pinag-ibayo ng AFP ang kanilang intelligence operations para makakalap ng imporasyon sa kinaroroonan ng natitirang tauhan ng ICRC na bihag ng ASG. Si Vagni at mga kasamahan nito na sina Andreas Notter at Mary Jean Lacaba ay binihag ng Abu Sayyaf noong Enero 15. Nakalaya na noong nakaraang buwan sina Notter at Lacaba. Una rito, inihayag din ni Alain Aeschlimann, ICRC operation chief sa East Asia, Southeast Asia and the Pacific, na sila man ay walang impormasyon sa kinaroonan ng kanilang kasamahan. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular