GMA News Online
Public Affairs
»
Wish Ko Lang

Wish Ko Lang

Former beauty queen and actress pleads for help

May 28, 2009 12:09pm
Episode on May 30, 2009
Saturday, 4:30 p.m.


From among the dozens of letters Wish Ko Lang! receives everyday only a few stand out. Recently, one plea had the whole staff of Ms. Vicky Morales curious. The sender claims to be a former beauty queen and actress. Does the name Aurora Sevilla ring a bell?

Crowned Mutya ng Pilipinas in 1984, Aurora was also named Ms. Press Photography the year before. Just like other beauty titlists Aurora entered showbiz after her reign. She would star in several movies opposite the most popular actions stars. With her film earnings, Aurora also ventured into some businesses. But her luck would soon run out.

Aurora writes about her fears of being driven away from their present home - a small rented room she has not paid for in months. She struggles everyday to put food on her kids' plates. Aurora hopes Wish Ko Lang! could help her find employment, before it's too late.

Tune in to the drama of Aurora Sevilla's life this Saturday on GMA 7's Wish Ko Lang!, after Startalk.




Sa dami ng sulat na dumarating sa Wish Ko Lang, may iilan na hindi kayang palampasin ng programa. Nitong nakaraang buwan, natigilan sa pagbabasa ang grupo ni Ms. Vicky Morales. Unang linya pa lang kasi ng liham, naintriga na sila. Ang humihingi sa kanila ng tulong -- dating beauty queen at aktres.

Pamilyar ba sa inyo ang pangalang Aurora Sevilla? Naging Mutya ng Pilipinas noong dekada otsenta si Aurora na nagbida rin sa pelikula kasama ang naglalakihang mga aksyon star. Nakapundar din ng ilang negosyo si Aurora . Pero hindi pala magtatagal ang kaniyang swerte.

Sa sulat ni Aurora sa Wish Ko Lang! inilahad niya ang pangambang mapapalayas na sila ng mga anak niya sa inuupahang kwarto. Ilang buwan na raw kasi siyang hindi makadiskarte ng pambayad sa upa. Maski raw pang-kain nilang mag-anak sa araw-araw hindi na alam ni Aurora kung saan huhugutin.

Pakiusap ni Aurora sa Wish Ko Lang! tulungan siyang makahanap ng trabaho para mabuhay ang mga anak. Hindi lang ang Wish Ko Lang! ang tutugon sa problema ni Aurora. Ang dating artista handa ring tulungan ng Kapuso Network. Sa katunayan, nahanapan na ng role sa bagong soap ni Maxene Magalona at Glaiza de Castro si Aurora .

Huwag palampasin ang mala-pelikulang buhay ni Aurora Sevilla sa Wish Ko Lang! ngayong Sabado, pagkatapos ng Startalk.



Wish Ko Lang on Facebook
Wish Ko Lang on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement