ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
6 ‘presidentiables’ nagdebate sa Plaza Miranda
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Hindi napigil ng malakas na buhos ng ulan ang anim na pulitikong matunog na tatakbong presidente sa 2010 elections na makibahagi sa debateng inorganisa ng dalawang election watchdog sa makasaysayang lugar sa Maynila nitong Huwebes. Dumalo sa naturang pagtitipon sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila sina dating Pangulong Joseph Estrada, Sens Francis Escudero, Richard Gordon, Loren Legarda, at Manuel Roxas II, at Pampanga Governor Ed Panlilio. Ang debate ay pinamahalaan ng National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV). Dahil sa malakas na buhos ng ulan, isang oras na naantala ang pagsisimula ng programa na naumpisahan dakong 5 pm na tumagal hanggang 8 pm.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nagbigay ng kanyang pambungad na mensahe si Manila mayor Alfredo Lim, habang hinikayat naman ni Commission on Election (Comelec) commissioner Lucenito Tagle ang publiko na makibahagi sa gaganaping halalan sa Mayo 2010. Sa ilalim ng patakaran ng debate, ang bawat âpresidentiable" ay binigyan ng 90 segundo para sagutin ang mga katanungan na pinili sa isang lalagyan. May mga katanungan din na nanggaling mismo sa mga taong dumalo sa Plaza Miranda. Ang mga tanong ay nanggaling sa sektor ng transportasyon, manggagawa, guro at estudyante. â GMANews.TV

More Videos
Most Popular