AFP naka-full alert sa SONA ni Arroyo
MANILA – Ilalagay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pinakamataas na alerto ang kanilang puwersa simula sa Linggo bilang preparasyon sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Lunes.
Ipinaliwanag ni AFP spokesperson Lt. Col. Romeo Brawner Jr. nitong Sabado na ilalagay sa full alert ang puwersa ng militar para mabilis itong makatutugon sa anumang posibleng mangyari.
"If we are on Red Alert, the troops are intact, their attendance is 100 percent inside the camp," ayon kay Brawner.
Pinulong nitong Sabado ng mga opisyal ng AFP ang daan-daang sundalo na nakasuot ng full battle gear sa loob ng kampo ng military sa Camp Aguinaldo.
Ngunit nilinaw ni Brawner na walang natatanggap na intelligence report ang AFP na nagsasaad na magkakaroon ng kaguluhan sa araw ng SONA ni Arroyo na gagawin sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
"We have not monitored any violent activities being planned. What we are monitoring are rallies only," idinagdag ng tagapagsalita ng AFP.
Sinabi ni Brawner na pitong pulutong ng mga sundalo na kasapi ng Civil Disturbance Management ang ipakakalat sa SONA.
Nauna ng nagtaas sa kanilang alerto ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila bilang paghahanda na rin sa SONA ni Arroyo na inaasahang dadagsain ng mga kilos protesta. - GMANews.TV

advertisement
advertisement
advertisement