ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kris emosyunal sa pamamaalam sa inang si Cory
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inihayag ng emosyunal na si Kris Aquino-Yap nitong Miyerkules na hindi nasayang ang pagsasakripisyo ng kanilang magulang dahil sa ipinakitang pagmamahal ng mga Filipino sa pumanaw na ina na si dating Pangulong Corazon Aquino. Sa kanyang family response na nagsilbi na ring pamamaalam na rin kay Gng Aquino sa loob ng Manila Cathedral, sinariwa ni Kris ang pagmamahal ng kanyang ina hindi lang para sa bayan kundi maging sa kanilang pamilya. "You have given our family honor beyond anything we could ever have hoped to receive," sambit ni Kris, âthat no matter how great the sacrifices of my parents, I can honestly say to all of you that for my family, the Filipinos are worth it." Ang naturang pahayag na ipinalabas din sa mga himpilan ng telebisyon at radyo ay umani ng mainit na palakpakan sa mga taong nasa loob at labas ng simbahan. Ang katagang, âthe Filipino is worth dying for," ay nagmula sa ama ni Kris na si dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr., na pinaslang noong Agosto 21, 1983 pagbalik sa Pilipinas mula sa pag-exile ng ilang taon sa United States. Ang pagpatay kay Ninoy ang naging hudyat ng mga kilos protesta na naging daan upang maluklok sa puwesto si Gng Aquino pagkaraan ng tatlong taon.
Noy (Sen Benigno âNoynoyâ Aquino III), ikaw at ako ang nasa posisyon para ipagpatuloy ang lahat ng kanilang nasimulan," 
â Kris Aquino
Sinimulan ni Kris ang kanyang may 17 minutong pahayag sa katagang, "minamahal kong kababayan," na lagi umanong pambungad na pagbati ng kanyang ina tuwing nagsasalita sa harap sa mga mamamayan. Muling pinasalamatan ni Kris, bunsong anak ni Gng Aquino, ang mga Filipino na nagpakita ng suporta at panalangin sa kanyang ina na dinapuan ng colon cancer. Hindi umano makalilimutan ng kanilang pamilya ang ginawang pagtitiis ng mga Filipino na mainitan at maulanan makita lamang ang mga labi ni Gng Aquino na kinikilalang simbulo ng demokrasya sa bansa. "Paano po ba kami makakapagpasalamat sa inyong lahat sa effort ninyong pumila sa gitna ng matinding init at malakas na pagbuhos ng ulan para po masulyapan ang mommy namin, magbigay respeto at maipagdasal siya sa huling pagkakataon?" ayon kay Kris. Tinatayang 2,500 tao ang full-capacity audience sa loob ng cathedral, maliban pa sa libu-libong taong nakaabang sa labas ng simbahan, at milyong-milyong Filipino na nanonood at nakikinig sa telebisyon at radyo. Ipinaalala rin ni Kris ang bilin sa kanila ng ina na hindi nagtatapos sa termino ng isang opisyal ang kanyang responsibilidad sa bayan. "Mom believed that true public service did not end when one's term of office ended. She continued selflessly working for the betterment of the lives of our countrymen," patungkol ni Kris sa foundation itinayo ng kanyang ina na ipinangalan sa kanyang ama.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV 'Noy, ikaw at ako' Sa pagpapatuloy ng kanyang talumpati, pinasalamatan ni Kris ang kanyang mga kapatid sa kanilang pagtutulungan sa panahon ng krisis na pinagdaanan ng kanilang ina. "Pinky (second daughter), we will forever share that painful memory of seeing mom finally break down and release all her pain that she was so kind to bravely conceal from us," ayon sa television host. Ngayong wala na ang kanilang amaât ina, sinabi ni Kris na nasa balikat nila ng kanyang nakatatandang kapatid na si Senador Benigno "Noynoy" Aquino III, na ipagpatuloy ang nasimulan ng kanilang magulang. "Noy, ikaw at ako ang nasa posisyon para ipagpatuloy ang lahat ng kanilang nasimulan," ayon kay Kris. "During our last conversation with mom na whatever support you needed, I will be there for you." Bahagyang napunan ng tawanan ang malungkot na paligid ng simbahan nang pasalamatan ni Kris si Noynoy sa pagkalinga sa kanyang panganay na anak na si Josh. "Noy, alam ko sa hospital sinabi ni Josh, please Tito Noy, never get married," kwento ni Kris. "Sana maintindihan mo, you're now his security blanket. You've taken mom's place as his protector." Inilahad din ni Kris ang huling bilin ng kanilang ina para sa kanilang magkakapatid bago ito pumanaw noong Agosto 1 matapos makaratay ng mahigit isang buwan sa Makati Memorial Hospital. "'Take care of each other.' I know that those words were meant not only for our family," pahayag ni Kris, "but for all of us as a nation." Bukod sa mga naging pahayag ni Kris, nagbigay din ng kanyang homily si Rev Catalino Arevalo, S.J., nagsilbing spiritual adviser ni Gng Aquino, para sa huling misang inialay sa pumanaw na lider bago dalhin ang kanyang mga labi sa Manila Memorial Park. - GMANews.TV

Tags: coryaquino, cory
More Videos
Most Popular