We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Maraming salamat po at binigyan po ninyo ng malaking pagpahalaga ang buhay naming mga OFW na nagsisikap mabuhay sa ibang bansa upang makapagbigay ng magandang buhay sa aming mga pamilya diyan sa Pilipinas. Mabuhay po kayo! Hanga din ako sa pagiging makabayan ni Mike (ang may akda ng âTsokolateâ)⦠Sino ba naman ang ayaw magsilbi para sa sariling bayan? Hindi nga lang ako, at marami pang iba ang pinalad na makapagsilbi ng husto sa sariling bayan sa mga dahilang may age limit din ang job requirements natin dyan sa Pinas. Kung âdi ka over-age ay over-qualified ka naman dahil halos lahat ng kumpanya ay fresh graduates din ang priorities nila. Kung sa gobyerno mo naman gustong manilbihan, âdi ka rin makapapasa kahit may titulo ka pa kung wala kang tinatawag na âbacker.â âDi naman ganyan ang sitwasyon sa Pinas noon sa panahon ni Dr. Jose Rizal, agree ka ba?
Iisa lang naman ang tanging pangarap ng isang OFW na katulad koâ¦magkaroon ng konting ipong PERA na ilalaan sa pag-aaral ng anak ko, at mabigyan ng magandang buhay ang mga pamilya namin.
â Rain from Africa
At least dito sa labas, pinapahalagahan nila ang kakayahan ng Pinoy at hindi tinitingnan ang edad. Ganyan din naman sana ang hiling namin dâyan sa Pinas. Magaling at maaasahan ang Pinoy kaysa ibang lahi kaya hindi rin alipin ang turing sa amin kundi isang âkatapat" sa trabaho sa opisina o sa bahay. Iisa lang naman ang tanging pangarap ng isang OFW na katulad koâ¦magkaroon ng konting ipong PERA na ilalaan sa pag-aaral ng anak ko, at mabigyan ng magandang buhay ang mga pamilya namin. Gusto ko lang naman sanang makapagpundar ng sariling pagkakakitaan at pagkatapos ay manirahan na lang diyan sa Pinas. Hindi naman pinangarap ng isang OFW na tawagin siyang âbayani" dahil kami, ang pinangarap lang naming ay matugunan ang pangangailangan ng aming mga pamilya. Simple lang ang hangad namingâ¦magsumikap na makahanap ng trabaho sa labas ng bansa at hindi umasa lang sa ating gobyerno para tulungan kaming umasenso. Kung natulungan man namin ang gobyerno, business na nila âyan. Hindi mo lang siguro kasi naramdaman Mike ang sakit sa damdamin ng isang ama o ina sa oras na siya ay umalis na para mangibang bansa. Gusto mo mang umiyak ngunit kikimkimin mo na lang sa loob ng iyong damdamin ang pagtulo ng luha. âDi na namin iniisip âyang sakrispisyong sinasabi, bagkus iyan ay itinuturing na lang naming isang responsilidad sa pamilya.
Hindi mo lang siguro kasi naramdaman Mike ang sakit sa damdamin ng isang ama o ina sa oras na siya ay umalis na para mangibang bansa. Gusto mo mang umiyak ngunit kikimkimin mo na lang sa loob ng iyong damdamin ang pagtulo ng luha.
â Rain from Africa
Sa buhay, ang nasa isip naming mga magulang ay hindi na maranasan ng aming mga anak ang naranasan naming paghihirap noon kamiây mga bata pa o estudyante pa lamang. Bagkus, nagsisisikap kami ngayon bilang magulang para sa kinabukasan nila at HINDING-HINDI darating ang panahong sisisihin nila kami dahil sa hindi pagsisikap na mabigyan sila ng masaganang buhay. âYan ang role ng isang OFW na hindi naghahangad ng ano pa man, kundi ang inyong pang-unawa lamang, kaawaan at ipagdasal ang ibang mga naghihirap na OFW sa ibang bansa. Maraming salamat po! RAIN in AFRICAMga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!