ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Buhay OFW sa Angola


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kamusta po mga kababayan ko sa iba't ibang sulok ng mundo na proud to be Pinoy. God bless po sa ating lahat na nagsasakripisyo sa ibang bansa para sa ating family. Ewan ko nga ba kung bakit mayroon mga tao na akala mo kung sino. Nakapunta lang sa ibang bansa akala mo na kung sinong mapera kung umasta. Alam nyo sa Johannesburg, marami ring mga Pinoy na “stop over" din. Pero okey naman sila kapag nakita nila na ang passport mo ay berde (pero maroon na ngayon). Babatiin ka nila ng, "kamusta kabayan, saan ang punta mo?" or “pauwi ka ba?" mga ganung batian.. Pero sa Hong Kong, hay naku! Ang daming mayayabang, iingay pa (pero hindi naman lahat). Nagkukwentuhan sila ng mga kayamanan nila sa Dubai or kung saan man na bansa sila nagpunta at nagtagumpay daw (sana nga nagtagumpay sila).


Ewan ko nga ba kung bakit mayroon mga tao na akala mo kung sino. Nakapunta lang sa ibang bansa akala mo na kung sinong mapera kung umasta.
– Amy of Angola
Pero kaming mga galing sa Angola, para kaming mga “poor." Galing kasi kami sa bundok, sa mining company po kasi kami nagtatrabaho dito sa Angola. Pero kung pakitaan ng pay slip, ewan ko lang kung ‘di sila magulat. Tahimik lang po kami, mga lumang damit ang suot at bulok na rubbershoes…may putik pa. Kasi po dito ang T-shirt na binili mo sa Baclaran e pwede mong ibenta ng $20 ang isa, example lang po ‘yan. Ang suot mong T-shirt kapag nagustuhan nila bibilhin nila ng mahal at dollars ang halaga. Tubong lugaw po kami dito ika nga. Kaya po pag-uwi ng ibang kasamahan ko halos wala ng matinong damit. Pero okey lang ang turingan naming mga Pinoy dito sa Angola. Kapag nagkikita sa airport ay nagbabatian naman kami. Pero sa Hong Kong po habang naghinhintay ng sasakyang eroplano, ang yaman po nila sa kwentuhan. Mga nang-iingit at isnabera pa. Pero okey lang po, sanay na kami sa mga ugali na ganun ng ibang Pinoy. Kaya sa kababayan natin na si Rea sa Qatar, magpasensya ka na lang ate. God Bless po GMA! salamat sa GMANews.TV…Pinoy Abroad, the best! Amy of Angola Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!