ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
6 day trip: Grupo ni Arroyo gumastos daw ng P37M sa US
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Tinatayang umabot sa P37 milyon â o P6 milyon bawat araw â ang ginastos umano ng grupo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nang magtungo at mamalagi ng anim na araw sa United States nitong Agosto. Sa exclusive report ni Lei Alviz sa GMA newsâ 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing umabot sa $371,000 (o halos P18 milyon) ang nagastos ng delegasyon ni Gng Arroyo sa Washington DC pa lamang. Sa Washington DC nakaharap ni Gng Arroyo ang nag-imbita sa kanya na si US President Barack Obama sa White House. Ang naturang halaga ay batay umano sa nakuhang dokumento ng GMA News sa Office of the President, ayon sa ulat. Sa Washington din kumain ang grupo ni Arroyo sa Bobby Vanâs Steakhouse kung saan umabot umano sa $15,000 ang halaga ng kanilang nakain, batay sa lumabas na ulat sa Washington Post. Ang naturang hapunan ay kinumpirman naman Quezon Representative Danilo Suarez, na kasama sa delegasyon at umamin na nagbayad sa kanilang kinain. Sumunod ay nagtungo ang delegasyon sa New York kung saan umabot sa $396,000 o mahigit P19 milyon ang nagastos ng delegasyon ni Gng Arroyo. Dito naman napaulat na kumain ang grupo ng pangulo sa mamahaling Le Cirque restaurant kung saan umabot ang halaga ng kanilang hapunan sa $20,000. Sinabi ng Malacañang na si Leyte Rep. Martin Romualdez, kamag-anak ni dating First Lady Imelda Marcos, ang nagbayad sa naturang hapunan sa Le Cirque. Nakasaad sa dokumento na malaking bahagi ng gastusin ay napunta sa transportasyon ng delegasyon na umabot sa $265,000 o tinatayang P13 milyon. Ilan pa sa pinagkagastusan ng delegasyon ay bayad sa hotel accommodations, representation expenses, secretariat supplies at maging âgratuities" o âpang-tip", ayon sa dokumento. Ayon sa ulat, hindi kasama P37-milyon ang gastos sa mga kasama sa biyahe na mga miyembro ng Gabinete at 27 mambabatas na kinabibilangan ng mga kongresista. Ang kasama lang umano sa ginastusan ng P37 milyon ay sina Gng Arroyo, asawa nitong si First Gentleman Jose Miguel Arroyo, Sens Miriam Defensor Santiago at Lito Lapid, Speaker Prospero Nograles, dalawang opisyal ng Palasyo at 50 support staffs ng Malacañang. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular