ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pag-apaw ng Laguna de Bay iimbestigahan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inihain na ang resolusyon sa Kamara de Representantes upang imbestigahan ang dahilan ng pag-apaw ng Laguna de Bay dahil sa pag-ulan ng bagyong âOndoy" na nagpalubog sa mga lugar na nakapaligid sa lawa kabilang ang Metro Manila, Rizal at Laguna. Sa House Resolution No. 1444, inihayag ni Muntinlupa Rep. Rufino Rossano Biazon na umaasa siyang matutukoy ang problema sa pag-apaw ng Laguna de Bay para mahanapan ito ng solusyon. âIt has been observed that there has been an increase in the frequency of flooding in the communities along the shoreline with increasingly longer periods of drainage and very slow drop in the lakeâs water level," ayon sa kongresista. Ang Laguna de Bay ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas at pangatlo sa pinakamalaki sa buong Southeast Asia. Pinapangambahan na tatagal ng tatlong buwan bago tuluyang mawala ang baha sa ilang apektadong lugar kung hindi kaagad bababa ang tubig sa lawa. Sinabi ni Biazon na siyam na barangay sa Muntinglupa ang kabilang sa mga naapektuhan ng pagbaha. Inihayag din ng kongresista na hindi makatutulong ang nangyayaring turuan nina Environment Secretary Lito Atienza at Laguna Lake Development Authority (LLDA) Administrator Edgardo Manda para malutas ang problema sa lawa. âWe have the administrator of the Laguna Lake Development Authority on poor garbage management, heavy silting, deforestration in surrounding watersheds and construction of housing settlements that obstruct the natural flow of water, including shanties along the floodways," puna ni Biazon. âThen thereâs the Secretary of Environment and Natural Resources blaming illegally constructed fish pens that obstruct the free and natural flow of water to the floodways," idinagdag niya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Iniulat na nagbanta si Atienza na isisiwalat ang mga âmaipluwensiyang" tao na nasa likod ng malalaking illegal fish cages sa Laguna de Bay na isa sa mga dahilan kung bakit sumikip ang lawa. Naniniwala naman si Biazon na hindi pa huli ang lahat para masagip ang lawa at maiwasan ang nangyaring trahedya na dulot ni âOndoy." Nanawagan din si Laguna Rep. Edgar San Luis na gawing prayoridad ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng Laguna de Bay na nagmistula na umanong âpozo negro" ng mga basura ng Metro Manila. Una rito, hiniling ng mga alkalde sa Rizal na isagawa na ang paglilinis sa lawa para maalis ang mga nakabarang basura. Hindi rin umano dapat sisihin ang LLDA sa paglipana ng mga illegal fish cage na guwardiyado ng mga armadong tao sa Laguna de Bay dahil sa kawalan ng ahensiya ng sapat na pondo para kumuha ng tao na magbabantay sa lawa. âDespite its huge mandate, LLDA has not received any single peso as subsidy from the national government since 1967, making it highly dependent on âusersâ fees to finance its operations," ayon kay San Luis. Hiniling niya sa Malacanang na sertipikahan bilang urgent bill ang inihain niyang House Bill No. 2963 para palakasin at bigyan ng dagdag na kapangyarihan ang LLDA. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular