ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lamat sa LP: Recto bumuwelta kay Osmena
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Hindi pa man nagsisimula ang kampanya, nagbabangayan na ang mga kaalyado ni Liberal Party standard bearer Sen Benigno âNoynoy" Aquino III, na sina dating senador Ralph Recto at Sergio Osmena. Matapos idahilan ni Osmena na ang pagpasok ni Recto sa LP ang dahilan ng pagtiwalag niya sa grupo ni Aquino, iginiit naman ni Recto nitong Huwebes na hindi sila nag-aplay ng kanyang asawang si Batangas Governor Vilma Santos para maging kasapi ng partido. "Unang-una, kami ang inimbitahan ng LP, at hindi kami nag-aplay," ayon kay Recto. âI have always been known to speak out my mind, be it in the floor of the House, committee rooms of the Senate, and inside Malacanang." Pormal na inihayag ang paglipat nina Recto at Vilma sa LP nitong Lunes matapos kumalas sa partido ng administrasyon na Lakas-Kampi-CMD. Ayon kay Osmena, ito rin ang araw nang nagpaalam siya kina Aquino at Florencio âButch" Abad, campaign manager ng LP, na kakalas na sa lapian matapos tanggapin si Recto at isama sa listahan ng mga senatorial candidates. Lumabas sa mga naunang ulat na tutol si Osmena kay Recto dahil kilala itong kaalyado ng administrasyong Arroyo at nanguna sa pagpasa ng expanded value added tax na nagpataas sa 12 porsiyento sa singil sa buwis sa mga bilihin at serbisyo. Mali ka Serge Ayon kay Recto, mali ang paniniwala ni Osmena na inaayunan niya ang katiwalian at maling polisiya ng administrasyong Arroyo. Aniya, ilang kautusan at programa ng gobyerno ang kinokontra ng dating senador na alam niyang makakasama sa bansa. âI opposed (Executive Order) EO 464, CPR (calibrated pre-emptive response), Charter change, the national ID system, ang pagpaslang sa mga aktibista, the state of emergency proclamation and in NEDA, the onerous provisions of the Laiban Dam contract, the ZTE proposal, RFID, SICPA at marami pang iba. Katulad na rin ng pag-aabuso ng mga dambuhalang kompanya ng langis," paliwanag niya. Hindi umano pinapayagan ng dating mambabatas na manghimasok sa kanyang prinsipyo at paninindigan ang partido.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Iginiit din ni Recto na hindi lang siya ang dapat sisihin sa ipinasang eVAT dahil inaprubahan ito ng buong Senado kung saan kasabay niyang nakaupo noon si Osmena. Pinapaniwalaan na kasama ang eVAT sa dahilan ng pagkatao ni Recto noong 2007 senatorial elections. âI have unfairly borne the blame on a tax measure as if it was an executive decree that I signed but it was a measure pushed by the World Bank, proposed by the Finance Department, endorsed by Malacanang, originated in the House, approved by Senate," pagdiin niya. âThis tax measure would not have passed without the support and cooperation of the members of Congress, including contributions made by Sen. Serge Osmena," paliwanag pa ni Recto. Naniniwala umano si Recto na darating ang panahon na maaari ng alisin ng susunod na administrasyon ang eVAT at iba pang buwis kung maaayos ang koleksiyon ng pamahalaan. âFrom Day One, the next administration should set out the goals of plugging tax leakages, stopping smuggling, promoting honest procurement and curbing corruption so with more money in hand, it can schedule the phasing down of tax rates, not only VAT, but income and business taxes," ayon sa dating senador. Kasalanan ni Noynoy Naniniwala naman si Sen. Edgardo Angara na ang kawalan ng karanasan ni Aquino na mamuno sa isang malaking organisasyon ang dahilan ng sigalot sa LP. Hindi umano magtataka si Angara kung lumaki ang problema ni Aquino sa iringan sa LP mula sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sinabi ni Angara na ilang makapangyarihang grupo na nasa likod ni Aquino sa LP ay kinabibilangan ng mga pamilya Cojuangco, Aquino, Araneta at civil society groups kabilang ang Black and White Movement. âA strong leader can withstand that factional infighting. If you are a weak leader, you will be eaten up by everyone," babala ni Angara . - GMANews.TV

More Videos
Most Popular