We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa Singapore magpa-Pasko ang Full House star na si Isabel Oli kasama ang kanyang buong pamilya. Sinabi ni Isabel na ngayon lang daw mangyayari na kumpleto silang lahat na magdidiwang ng Pasko kaya sobrang excited siya. Tinatapos na lang muna ni Isabel ang ilan niyang pending commitments bago tumulak palabas ng bansa sa Martes (December 22). Nakatakda naman siyang bumalik sa Pilipinas sa January 2 para ipagpatuloy ang kanyang mga trabaho. Biniro si Isabel ng ilang entertainment reporters na baka sa Singapore niya makita ang kanyang next boyfriend after Paolo Contis. "Wala naman dun sa Singapore," mabilis na sagot ni Isabel sa press conference ng Moringa 02 skin care products na ginanap recently sa The Fort, Taguig City. Ayaw isipin ni Isabel na natatakot na siyang pumasok muli sa isang relasyon matapos nga ang paghihiwalay nila ni Paolo. Sinabi nito na mas maingat lang siguro siya ngayon pagdating sa pag-ibig kumpara noon. "Hindi naman na-trauma... Kasi siyempre, di ba? I'm not getting any younger, so, âpag nagka-relationship na siguro, sana 'yon na talaga. Sobrang wish ko talagang magkaroon ng own family," paliwanag niya. CAGER BOYFRIEND? Single pa rin daw ang current status ni Isabel bagama't very honest naman ito sa pagsasabing nakikipag-date siya 'pag may oras. "I just go out, mga group dates, ganyan... Walang exclusive na ka-date," pag-amin niya. Hindi rin naman itinanggi ng dalaga na kung siya ang tatanungin ay mas preferred niya na non-showbiz ang kanyang magiging next boyfriend para nga naman hindi masyadong malapit sa intriga. Pero hindi rin naman isinasara ni Isabel ang posibilidad na muling umibig sa isang kasamahan niya sa trabaho. Nagkataon lang din daw na hindi taga-showbiz ang mga pumuporma sa kanya sa kasalukuyan. Sinagot din ni Isabel ang usapin na nagkakamabutihan diumano sila ng isang basketball player na katulad niya ay laking-Bisaya rin. Nauna nang lumutang ang pangalan ni San Miguel Beer Cebuano shooting guard Dondon Hontiveros sa mga manlalaro na inuugnay kay Isabel. Sumunod naman ay ang teammate ni Dondon sa San Miguel at former Ateneo Blue Eagles standout na si Wesley Gonzales. "Hindi, ah!" pagtanggi ni Isabel. "Actually, ang dami-dami kong friends na basketball players. Parang mga Bisaya-bisaya rin kasi. Taga-Cebu, ayun. Mga friends ko talaga sila. Iba yung bonding pag mga Cebuanos or mga Bisaya, iba talaga, iba kami. Parang nagha-hangout talaga kami, parang ganun. Pero may mga girlfriends na yun. Minsan pag may dine-date ako pinapakilala ko rin sa kanila." Naging very game naman si Isabel sa pagsagot nang tanungin kung ano ang gagawin niya kung sakaling makasalubong niya si Paolo sa loob ng GMA-7 compound. Hindi naman daw kasi maiiwasan na dumating ang pagkakataon na 'yon, katwiran ng entertainment press, dahil they're working under one network. "Hindi ko kasi talaga alam kung ano'ng mangyayari," natatawang sagot ni Isabel. "Definitely walang sampalan. Walang violent reaction. Hindi ko lang alam kung ano'ng mangyayari. Abangan ninyo 'yan!" - Bong Godinez, PEP